^

Bansa

6 gumamit ng itak para harangin warrant vs Quiboloy, kinasuhan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
6 gumamit ng itak para harangin warrant vs Quiboloy, kinasuhan
Photo shows Kingdom of Jesus Christ church founder Apollo Quiboloy.
Pastor Apollo Quiboloy Facebook Page

MANILA, Philippines — Anim na miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na humarang at umatake sa mga pulis sa paghahain ng warrant of arrest laban kay Pastor Apollo Quiboloy ang kinasuhan ng obstruction of justice ng Philippine National Police (PNP).

Sa isinagawang press briefing sa Camp Crame, sinabi ni PNP Public Information Office chief PCol. Jean Fajardo, dinala sa istasyon ng pulisya ang anim na miyembro ng KOJC matapos umanong subukang atakihin ang mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at lokal na pulisya sa pagpasok ng mga ito sa Glory Mountain nitong Lunes ng madaling araw.

Nabatid na isisilbi ng awtoridad ang warrant of arrest laban kay Quiboloy at limang iba pa dahil sa kasong child abuse at human trafficking.

Lumilitaw na 17 itak at isang marble gun ang nakum­piska ng pulisya. Una ng dinala sa istasyon ng pulisya ang anim katao pero pinakawalan din ang mga ito at sinampahan na lang ng kaso sa pamamagitan ng regular filling.

Ani Fajardo, posibleng magdulot ng injuries sa mga pulis ang marble gun subalit ipinatupad pa rin ng mga pulis ang maximum tolerance.

Samantala hindi na sasampahan ng kaso ang mga miyembro ng KOJC na gumamit ng water cannon upang itaboy ang pulisya sa sinalakay na compound sa Davao City.

Dagdag ni Fajardo, ito ang mga sitwasyon na iniiwasan ng pulis dahil nalalagay din ni Quiboloy sa panganib ang kanyang mga tagasuporta.

Panawagan niya kay Quiboloy, sumuko na lamang at harapin sa korte ang kaso.

vuukle comment

APOLLO QUIBOLOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with