^

Bansa

Pagsisilbi ng warrant vs Quiboloy ‘di overkill – DILG

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Pagsisilbi ng warrant vs Quiboloy �di overkill � DILG
Apollo Quiboloy
Facebook / Pastor Apollo C. Quiboloy

MANILA, Philippines — Dinepensahan ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos ang umano’y ‘overkill’ sa pagsisilbi ng warrant of arrest laban kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Apollo Quiboloy nitong Lunes.

Ayon kay Abalos, hindi overkill ang operasyon ng Special Action Force (SAF) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) dahil pag­hahanda lamang ito sa posibleng mangyari matapos na magbitaw ng salita si Quiboloy na hindi siya magpapahuli ng buhay.

Lunes ng umaga nang isilbi ng CIDG at SAF ang warrant of arrest laban kay Quiboloy para sa kasong child at sexual abuse.

Hindi naabutan ng mga awtoridad si Quiboloy sa Buhangin District, Davao City at Glory Mountain at Prayer Mountain sa Barangay Tamayong, Davao City.

Paliwanag ni Abalos, ang maraming bilang ng pulis ay augmentation lamang dahil na rin sa lawak ng mga lugar na pagmamay-ari ni Quiboloy at dami ng mga tagasuporta nito.

Nais din aniya ng mga pulis na maproteksiyunan ang kanilang sarili sa anumang uri ng opersyon.

Sinabi ni Abalos na pinahanga siya ng mga pulis nang magpakita ng kanilang maximum tolerance.

Aniya, sa kabila ng pambobomba ng tubig ay nanatiling kalmado ang mga pulis at hindi pinairal ang init ng ulo.

Kasabay nito, umapela si Abalos kay Quiboloy na sumuko na lamang kung talagang inosente.

Mas nilalagay umano ni Quiboloy sa kapahamakan ang kanyang mga tagasuporta lalo pa’t hindi naman titigil ang mga awtoridad sa paghahanap sa kanya.

vuukle comment

APOLLO QUIBOLOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with