^

Punto Mo

Bulag na panday pinagaling ni St. Charbel! (Part 1)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

KASAYSAYAN ito ni Iskandar Naim Obeid, isang bulag na panday mula sa Baabdat, Lebanon.

Sa loob ng 13 taon, tanging ang isang mata lamang niya ang nakakakita. Naaksidente siya noong 1937 at grabeng napinsala ang kanyang kanang mata.

Ayon sa mga doktor na tumingin kay Iskandar, masyadong napinsala ang kanang mata, particular ang retina at hindi na maaaring maibalik pa. Kahit ano pang treatment ang gawin, hindi na umano gagaling pa.

Ipinasya ng mga doktor na alisin ang napinsalang mata ni Iskandar upang maprotektahan ang isa pang mata.

Sa kabila na iisa na lamang ang mata, patuloy pa rin sa pagtatrabaho bilang panday si Iskandar.

Patuloy din naman ang matibay na pananala­ngin niya sa Diyos na pagalingin siya at ibalik ang kanyang nawalang paningin.

Patuloy ang kanyang pagsisimba at pagkokomunyon. Hindi siya nawawalan ng pag-asa.

Hanggang nabalitaan niya ang mahimalang pagpapagaling ni Father Charbel Makhlouf (hindi pa santo noon) sa buong Lebanon.

Marami na umanong napagaling ang namayapang pari.

Isang gabi, napanaginipan niya si Father Charbel.

Sa panaginip, sinabi umano ni Father Charbel kay Iskandar na magtungo ito sa St. Maron Monastery sa Annaya, kung saan ito nakalibing.

Kinabukasan, walang sinayang na panahon si Iskandar at nagtungo siya sa Annaya.

Magdamag siyang nagdasal sa libingan ng pari.

Nang umuwi siya sa bahay, nakaramdam siya ng grabeng sakit ng mata.

(Itutuloy)

BULAG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with