Lalaking may cancer pinagaling ni Padre Pio (Part 9)
DAHIL nalaman na ng bunsong anak ni Anthony na si Stacey ang tungkol sa sakit niyang 3rd stage esophagus cancer, wala na siyang nagawa kundi ipagtapat ito sa buong pamilya.
Ayon kay Anthony, masakit ilahad ang masamang balita pero wala siyang magawa. Kailangang malaman ng pamilya ang totoo niyang kalagayan. Kailangan nilang maging matatag sa panibagong pagsubok sa kanilang buhay.
Ayon kay Anthony, humingi siya ng lakas ng loob sa Diyos lalo’t nakatakdang ikasal ang kanyang anak na si Darlene sa darating na buwan, Mayo 19, 2000.
Ayon kay Anthony, makaraang malaman ng pamilya ang masamang balita tungkol sa sakit ni Anthony, lahat ay tila nagkaroon na naman ng panibagong bangungot. Pero sa pagkakataong iyon, mas malaki ang banta at panganib.
Naging daan naman iyon para maging malapit sa Diyos ang mga anak ni Anthony. Ipinagdarasal siya ng mga ito.
Ang anak na si Stacey bago pumasok sa opisina ay nagtutungo muna sa simbahan at ipinagdarasal ang paggaling ng ama.
Ang kanyang anak na si Michael, ay lagi ring nagdarasal. Narinig mismo ni Anthony ang dasal ng anak: “Please let my Dad be OK. Make him better. Please give me a sign that you’re listening to my prayers.”
Makaraang marinig ang dasal ng anak, nakaramdam umano si Michael ng spiritual energy sa buong katawan.
Nang dumating ang kanyang anak na si Stacey ng gabing iyon, dakong 10:00 p.m., nagulat siya sa ipinakita nitong retrato ng isang lalaki. (Itutuloy)
- Latest

















