Body hacks para maginhawahan l
Kapag barado ang ilong, subukang uminom ng mainit-init na tubig o maligo sa maligamgam na tubig para makatulong lumuwag ang mucus.
l Kapag namamanhid ang paa dahil sa pagkakaupo nang matagal, tumayo at maglakad-lakad nang kaunti. Maaari ding igalaw-galaw ang mga daliri sa paa at bukung-bukong.
l Kung inaantok pero kailangang manatiling alerto, tumayo sandali, mag-stretch at maglakad nang ilang minuto. Mas mabuting paraan ito kaysa piliting manatiling gising na nakaupo habang inaantok.
l Kapag nangangati ang balat dahil sa kagat ng lamok, lagyan ng malamig na compress ang bahagi nang ilang minuto upang makatulong mabawasan ang pangangati.
l Kung pinupulikat ang binti, dahan-dahang itong i-stretch. Tapos hilahin paitaas ang mga daliri ng paa habang nakaunat ang binti.
l Kapag tuyong-tuyo ang lalamunan, uminom ng tubig nang paunti-unti sa halip na isang malaking lagukan. Makakatulong kung maligamgam na tubig ang inumin.
l Kung nahihilo dahil biglang tumayo, umupo o huminto muna at humawak sa matibay na bagay. Next time upang hindi na mangyari ito, dahan-dahang bumangon mula sa pagkakahiga o pagkakaupo.
l Kapag pagod ang mga mata dahil sa cellphone o computer, gamitin ang 20-20-20 rule: bawat 20 minuto, tumingin sa isang bagay na mga 20 feet ang layo sa loob ng 20 segundo.
l Kung malamig ang kamay o paa, igalaw-galaw ang mga daliri at maglakad nang kaunti para makatulong sa sirkulasyon. (Itutuloy)
- Latest















