Gen. Nartatez, galit sa ‘paihi’ operations!
PALDO ang mga financiers ng “paihi” o pasingaw ng krudo bunga sa patuloy na giyera sa Middle East sa pagitan ng Estados Unidos at Iran na ikinadahilan ng sobra-sobrang pagtaas ng presyo ng Langis sa Pinas. Hindi na sa ngayon! Iniutos ni PNP chief Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez Jr. sa lahat ng Police Regional Offices ang paghabol sa lahat ng “paihi” operations na niloloko lang ang mga Pinoy consumers. “We should strengthen intelligence gathering and sustain operations against oli pilferage, illegal fuel transfers, and unauthorized LPG refilling activities,” ani Nartatez. Ang mga provincial, city, at municipal police stations naman ay binigyan din ni Nartatez ng marching orders na higpitan ang monitoring sa mga warehouses, storage sites, at mga suspetsadong kuta ng “paihi” ng petroleum products. Dipugaaaaa! Hehehe! Ang sakit sa bangs nito!
Ang kautusan ay inilabas ni Nartatez matapos maaresto ang 13 katao at makumpiska ng mga operatiba ni PRO4-A director Brig. Gen. Dominic Baccay ang P16.29 milyon na halaga ng kagamitan at petroleum products sa Quezon. Ayon kay Baccay, ginamitan nila ng drone ang pugad ng “paihi” na matatagpuan sa Bgy. Silangan, Mayao, Lucena City, hinintay na magsipasok ang mga tanke, dala ang mga containers, tsaka pinasok. Naaktuhan ang mga suspects na inililipat ang krudo mula sa tanker papuntang container. Swak sa banga ang mga loko! Ang paihi operations ay minimintina ng isang alyas Ricky, at matagal na itong hindi ginagalaw ng kapulisan. Si Baccay lang pala ang kasagutan sa panloloko ni Ricky sa gobyerno ni President Bongbong Marcos, no mga kosa? Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?
Narekuber ang tatlong tanker trucks, dalawang Isuzu Elf trucks, isang Mitsubishi Fuso truck na naglalaman ng 10,000 liters ng LPG, libu-libong litro ng diesel fuel, LPG cylinders, at iba pang kagamitan sa “paihi.” “This successful operation demonstrates the PNP’s firm commitment to dismantling illegal fuel operations that undermine our economy, endanger public safety, and deprive the government of legitimate revenues,” ayon kay Nartatez. “I commend our operating units for their professionalism and assure the public that we will pursue not only those caught in the act but also the individuals who finance and orchestrate these illegal activities,” ani Nartatez. Abangan!
- Latest















