^

Punto Mo

Himala: Nailigtas sa rumaragasang baha (Part 5)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

HINDI makapaniwala si Inay sa sinabi ko na may nagligtas sa akin kaya hindi ako nalunod sa malaking baha sa sapa.

“Sino ang nagligtas sa iyo, Josie?’’ tanong ni Inay na takang-taka.

“Matandang lalaki po Inay.”

“Matandang lalaki? Paano ka tinulungan?”

“May mahabang tungkod ang matanda at iyon ang iniabot niya sa akin nang ako ay unti-unti nang tinatangay nang malakas na agos.”

“Kilala mo ba ang matanda? Tagarito ba siya sa barangay natin?”

“Hindi po Inay. Halos kilala ko ang mga matatanda rito at kakaiba ang itsura niya.”

“Anong kakaiba ang itsura?”

“Mahaba ang balbas niya. Mukhang mabait na matanda siya Inay. Marahan siyang magsalita. Maamo ang kanyang mga mata.”

“Ano ang suot niya?”

“Maluwag ang suot niya na parang sa pari.”

“Anong kulay ng suot?”

“Brown.”

Nag-isip nang malalim si Inay.

“Sino kaya ang matandang iyon?” sabi ni Inay pagkatapos at hindi inaalis ang tingin sa akin.

“Inay, parang ang suot niya ay katulad ng damit ni St. Joseph.”

Napamulagat si Inay. (Itutuloy)

BAHA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with