^

Punto Mo

Mga pangako ni Boss Boying, napapako!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

MARAMING reklamo rito kay Ombudsman Boying Remulla. Maging saang sulok man ng Pinas, ang peborit topic ay kung bakit ang mga kaalyado lang ni VP Sara Duterte ang hinahabol n’ya. Ang nasa administrasyon na pulitiko? Puro pananakot at pangako lang si Boss Boying subalit kinalaunan nakakalimutan na n’ya ang mga sinasabi n’ya. Ulyanin na si Boss Boying? Ang halimbawa ay ang pagbabando ni Boss Boying na magkaroon na ng arrest warrant ang mga pulitiko na sangkot sa flood control scam, kasama rito si ex-Speaker Martin Romuladez, pagsapit ng December 2025. Subalit lumipas na ang Pasko, pati ang ibinigay n’yang ibang deadline, nganga pa rin ang mga Pinoy. ‘Yan si Boss Boying, mahilig mangako. Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Ang napansin pa ng mga kosa ko kay Boss Boying, kapag kaalyado ni VP Sara, mabilis pa sa alas-kuwatro s’ya kumilos. Subalit kapag pulitikong kontra sa Palasyo, abayyyyy araw lang ay may desisyon na, lalo na sa kaso nina Sen’s. Rodante Marcoleta at Jinggoy Estrada. Noong Mayo, sinampahan ng reklamo si Marcoleta kaugnay sa P75 milyong donasyon sa campaign funds n’ya, na pumasa sa panlasa ng Comelec. Nitong Hulyo 3 nagsampa ang Ombudsman ng kasong plunder kay Marcoleta na walang piyansa. Abayyyyy kinabukasan, naglabas kaagad ng arrest warrant ang Sandiganbayan, kaya’t hayun si Marcoleta nagpapahangin na sa kulungan. Araguyyyyy! Si Boss Jinggoy naman ay sinampahan ng kasong plunder at graft noong Mayo 28 dahil sa P573 milyon kickbacks sa flood control projects. Tatlong araw makalipas may warrant na rin s’ya at sinamahan na si Marcoleta sa kulungan. Dipugaaaa!

Dahil sa sinapit nilang kamalasan, itong sina Marcoleta at Estrada ay naitsa-puwera sa pag-attend sa impeachment ni VP Sara bilang senator-judges. Purbidang yawaahhhhh! Dahil nahalata na ng taumbayan na puro maka-Duterte lang ang hinahabol n’ya, hayun nag-PR blitz na naman ang Ombudsman na kakasuhan si Romualdez dahil “central figure” s’ya sa flood control scam. Malakas ang paniniwala ng mga kosa ko na kapag nalingat sila, makakalimutan na naman ni Boss Boying ang pangako n’ya. Ano pa nga ba! Nagkukunyari lang kaya si Boss Boying na ulyanin na s’ya? Sanamagan! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Teka, teka! Sino itong sina Alfred, Nanang, Rolie, Bayot, Jip, Weng at Susan na ang lakad ay “restitution?” Baka kilala mo sila Boss Boying?  Abangan!

BOYING REMULLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with