^

Punto Mo

EDITORYAL – Pagbabalik ng NCAP

Pang-masa

IPINATUPAD na muli noong Oktubre 5 ang No Contact Apprehension Policy (NCAP). Epek­tibo na ito sa Maynila, Quezon City, Muntinlupa at San Juan. Ang Valenzuela City at Parañaque City ay ipinagpaliban muna ang implementation nito.

Sa ilalim ng NCAP, camera ang huhuli sa traffic violation at ipapadala na lamang sa vehicle owner ang notice at multa.

May magandang dahilan para gamitin ang tek­nolohiya sa traffic enforcement.

May litrato o video ng violation at nababawasan ang direktang interaction sa enforcer at kasama nito ang pagkakataon para makaiwas sa kotong o paki­usap sa kalsada.

Ngayong balik na uli ang NCAP, hindi sapat ang mahusay sa camera sa pagpapatupad nito. Dapat malinaw at patas ang buong proseso pagkatapos makuhanan ang motorista.

Tiniyak ng Metropolitan Manila Development Autho­­rity­ (MMDA) na walang double penalties dahil mag­ka­hiwalay ang lokasyon ng LGU at MMDA cameras. May online protest mechanism din para kuwestiyunin ang citation.

Magandang safeguards iyan, pero dapat mada­ling gamitin sa aktuwal, hindi lang nakasulat sa guidelines.

Paano kung mali ang plate number? Paano kung hindi ang registered owner ang nagmamaneho? Paano kung may emergency?

Kailangang mabilis makita ng motorista ang ebi­densiya at malinaw kung saan at paano maghahain ng reklamo.

May dagdag pang problema ngayon: ginagamit na rin ng scammers ang NCAP. Nagbabala ang MMDA at PNP laban sa pekeng text tungkol sa traffic violations na may kahina-hinalang links at humihingi ng personal o financial information.

Kaya lalong kailangan ng isang malinaw at madaling makilalang official notification system.

Dapat ding transparent kung saan napupunta ang nakokolektang multa at kung ano ang nata­tanggap ng private contractors.

May mga usapin na ring binanggit tungkol sa compensation arrangements sa dating NCAP setup.

Disiplina ang layunin dapat ng NCAP, hindi kalituhan, hindi pananakot, at lalong hindi pagkakakitaan ng mga nagpapatupad nito.

Sana sa pagkakataong ito ay maipatupad nang maayos at may kabuluhan ang NCAP. Hindi dapat maulit ang mga pagkakamali o may mga “butas” sa pagpapatupad.

NCAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with