^

Punto Mo

Linis putik at basura palit pera

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

HABANG  palakas nang palakas ang buhos ng ulan at muling nababahala ang mga pamilyang madalas lubugin ng baha, inilulunsad ng pamahalaan ang malawakang paglilinis at pagbabaklas ng mga baradong daluyan ng tubig sa buong Metro Manila. Libu-libong manggagawa sa ilalim ng programang TUPAD ang inaasahang isasabak sa operasyon upang linisin ang mga estero, ilog, kanal at iba pang daanan ng tubig na matagal nang pinagmumulan ng baha sa maraming komunidad.

Layunin ng programa na sabay na tugunan ang dalawang mabigat na suliranin ng karaniwang Pilipino, ang kawalan ng hanapbuhay at ang taun-taong bangungot na dulot ng pagbaha. Sa halip na nakatengga sa bahay habang naghihintay ng pagkakakitaan, magkakaroon ng pagkakataon ang libu-libong manggagawa na kumita habang nakikilahok sa paglilinis ng kanilang mga pamayanan.

Kasama sa mga gawain ang pagtanggal ng tone-toneladang basura, paghuhukay ng makakapal na putik sa mga baradong estero at kanal, at pagpapanumbalik ng maayos na daloy ng tubig bago sumapit ang pinakamalalakas na buwan ng tag-ulan.

Para sa maraming residente, hindi na bago ang eksenang ilang oras na ulan pa lamang ay lubog na agad ang mga kalsada at kabahayan. Minsan, isang gabing malakas ang ulan ang katumbas ng ilang araw na walang trabaho, nasirang gamit, at pagkakautang para makabangon. Kaya para sa ilan, ang paglilinis ng mga daluyan ng tubig ay hindi lang simpleng proyekto isa itong laban para mabawasan ang hirap na paulit-ulit na pinapasan ng mga nasa laylayan.

Kasunod ito ng mga naunang programa kung saan ginamit din ang mga benepisyaryo ng TUPAD sa paghahanda at pagkukumpuni ng mga pampublikong paaralan bago ang pagbubukas ng klase. Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na ang mga ahensya ng gobyerno sa mga lokal na pamahalaan upang agad na maipatupad ang deployment ng mga manggagawa sa mga lugar na kritikal sa pagbaha.

Patuloy namang itinuturing ng pamahalaan na prayoridad ang mga hakbang laban sa baha, kabilang ang rehabilitasyon ng mga drainage system at paglilinis ng mga daluyan ng tubig upang mabawasan ang pinsalang dulot nito sa mga komunidad at kabuhayan ng mamamayan.

 

GARBAGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with