Tips para maiwasan ang dementia (Last Part)
5. Matulog nang sapat.
l Sikaping magkaroon ng 7–8 oras na tulog bawat gabi.
l Kung malakas ang hilik o tila humihinto ang paghinga habang natutulog, magpatingin sa doktor dahil ang sleep apnea ay maaaring makaapekto sa kalusugan ng utak.
6. Makisalamuha sa ibang tao.
l Makipagkuwentuhan sa pamilya at mga kaibigan.
l Sumali sa mga samahan, volunteer work, o mga gawaing pangkomunidad.
l Ang regular na pakikisalamuha ay nakatutulong sa kalusugan ng isip.
7. Iwasan ang paninigarilyo at limitahan ang alak.
l Ang paninigarilyo ay nagpapataas ng panganib ng dementia.
8. Protektahan ang ulo.
l Magsuot ng helmet kapag nagbibisikleta o nagmomotorsiklo.
l Gumamit ng seat belt sa sasakyan.
l Iwasan ang pagkadulas at pagkahulog, lalo na sa mga nakatatanda.
9. Alagaan ang pandinig at paningin.
l Magpatingin kung nahihirapan nang makarinig o makakita.
l Ang paggamit ng hearing aid kung kailangan ay maaaring makatulong na mabawasan ang panganib ng paghina ng pag-iisip sa ilang tao.
10. Panatilihing aktibo ang isip at positibo ang pamumuhay
l Bawasan ang matinding stress sa pamamagitan ng pagdarasal, meditation, o malalim na paghinga.
Mahalagang tandaan: Ang pagkalimot paminsan-minsan ay normal habang tumatanda. Ngunit kung madalas, kailangan na dapat magpatsuri sa doctor upang mapabagal ang paglala ng kondisyon.
- Latest















