^

Punto Mo

EDITORYAL — Mag-ingat sa leptospirosis

Pang-masa

NAGPAALALA ang Department of Health (DOH) sa publiko na mag-ingat sa leptospirosis. Tumataas na ang bilang ng mga nagkakasakit. Sa Quezon City, may nai-report ng 31 kaso ng leptospirosis mula Enero 1 hanggang Marso 26, 2026.

Noong nakaraang taon, tumaas ng 38 percent ang kaso ng leptospirosis sa kaparehong buwan. Pinakamataas ang kaso sa Davao City na nakapagtala ng 94 na kaso at 23 ang namatay. Dumami rin ang kaso sa Cordillera Region na nakapagtala ng 22 kaso.

Ngayong nalalapit na ang panahon ng tag-ulan at tagbaha, ang panganib sa leptospirosis ay lalong tuma­taas. Delikadong lumusong sa baha sapagkat ma­aring kontaminado ito ng ihi ng mga hayop lalo na ang daga. Kung may sugat sa binti at paa, huwag lumusong sapagkat dito pumapasok ang virus. Gumamit ng bota kung lulusong sa baha.

Paalala ng DOH huwag balewalain ang leptos­pirosis. Kapag marumi ang paligid, maraming daga at ang mga ito ang karaniwang pinanggagalingan ng virus. Ayon sa DOH, hindi lamang sa ihi ng daga nagmumula ang leptospirosis kundi maging sa iba pang hayop.

Kapag pumasok ang virus sa binti at paa, lilitaw ang mga sintomas ng leptospirosis. Makararanas ng lagnat, panginginig ng katawan, pananakit ng binti, kalamnan, at kasu-kasuan, pamumula ng mga mata, pani­nilaw ng balat, pananakit ng ulo at kulay tsa ang ihi.

Karamihan sa mga nagkaka-leptospirosis ay mga bata na madalas magtampisaw sa baha. Sa mga kal­sada sa Metro Manila karaniwan nang makakakita ng mga batang nakalublob sa baha. Mayroon ding dumadayb sa estero. Walang pakialam ang mga bata habang naglulunoy sa baha na kontaminado ng ihi ng daga at iba pang hayop.

Noong nakaraang taon, sinabi ng DOH na makiki­pag-ugnayan sila sa LGUs para tuluyang ipagbawal ang paliligo sa baha. Noong nakaraang taon din du­mami ang nga nagka-leptospirosis at nagsiksikan sa mga ospital ang mga pasyente.

Magtulung-tulong ang mamamayan sa paglipol sa mga daga na naghahatid ng leptospirosis. Ang unang hakbang ay ang pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran at sa loob ng bahay.

Magsagawa pa ng kampanya ang DOH upang ma­ipabatid sa publiko ang panganib ng leptospirosis. Ma­raming nag-aakala na simpleng sakit lang ito. Kapag­ tinamaan ng leptospirosis, naaapektuhan o nasisira ang kidney kaya isinasailalim sa dialysis ang pasyente. Mag­doble ingat sa leptospirosis.

Sundin ang paalala ng DOH na mag-ingat sa sakit. Sa mga magulang, bantayan ang inyong mga anak. Huwag pabayaang maligo sa baha na kontaminado ng ihi ng daga.

LEPTOSPIROSIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with