Tamang hinala, bullseye ba sa hula?
BAGO magkaroon ng kudeta sa Senado ay may mga alingawngaw nang umiikot na papalitan na ni Sen. Alan Peter Cayetano bilang Senate President si Tito Sotto. Ang hindi makumpletong bilang ng pipirma sa BRC Partial Committee report ni Sen. Ping Lacson ang naging batayan ng ito.
Nasasaad diumano sa report ang maanomalyang sikwatan ng pondo sa pondo ng DPWH flood control projects na bukod sa kinaltasan ng kickbacks ang ilan ay hinihinalang ghost projects pa. Nanguna sa listahan sina Sens. Joel Villanueva, Jinggoy Estrada at Chiz Escudero. Hindi talaga pipirma ang tatlo maging si Javee Ejercito, Mark at Camille Villar at Pia Cayetano. May negatibong konek ba o tama lang ang hinala ng karamihan?
Nakakagulat lamang na sa 15 miyembro ng dating majority group ay 7 lamang ang pumirma sa BRC report at ito’y sina Tito Sotto, Ping Lacson, Bam Aquino, Erwin Tulfo, Raffy Tulfo, Kiko Pangilinan at Risa Hontiveros. May tamang hinala na talaga na ang ilang miyembro ng majority group ay oportonista lang talaga at maari pa nga’ng ibilang na espiya lang. Bullseye ba?
Pilit ikinukondisyon ng bagong majority group ni Senate Pres. Alan Peter Cayetano ang isip ng taumbayan na iwawasto nila ang kalakaran sa Senado. Hindi kaya sintunadong musika ng kasinungalingan ang lumabas sa “mala-vaudeville” na palabas na ito ng bagong liderato sa Senado kung lalampasan na lamang ang isyu ng ghost projects at bigtime na contractors na mga naging campaign funders ng ilan sa mga kongresista at senadores?
Hindi natin alam ang buod ng report ng Senate Blue Ribbon Committee ni Ping Lacson pero malamang na tumbok dito ang mga miyembro ng datihang majority group ni Tito Sotto na may itinatagong baho. Ayon kay Cong. Leandro na anak nitong si Sen. Loren Legarda ay may 1 bilyon projects din ang nanay niya sa listahang nakuha niya kay Cathy Cabral? Aba! ay baka ito ang dahilan kaya kumabila na ang ale!
Makiramdam tayo sa bagong palabas sa Senado, Starring Alan Peter Cayetano.
- Latest

















