^

Punto Mo

Libre ang Araw pero hindi ang solar panel

PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

Kontrobersiyal kamakailan sa social media ang solar panel partikular ang isyu ng pagpaparehistro nito bago ito ikabit sa bahay. Ngunit sa gitna nito, lumitaw ang realidad na ang liwanag mula sa Araw ay maaaring gawing kuryente gamit ang makabagong teknolohiya.

Dumarami na ang gumagamit ng solar panel sa Pilipinas, sa mga bahay at gusali, ngunit maliit pa rin ito kumpara sa milyun-milyong umaasa sa kuryente mula sa grid na galing sa coal, natural gas, at iba pang fossil fuel. Sa buong mundo, itinutulak ang paggamit ng renewable energy tulad ng solar dahil sa layuning bawasan ang polusyon at pangmatagalang gastos sa kuryente.

Totoo na libre ang enerhiya mula sa araw. Ang solar photovoltaic system ay kumukuha ng liwanag at ginagawang kuryente. Pero ang mismong sistema ay hindi libre. Binubuo ito ng solar panels, inverter na nagko-convert ng kuryente mula DC papuntang AC, mga kable, at safety devices tulad ng circuit breaker at grounding system. Kung may battery, lalo pang tumataas ang gastos.

Kaya umaabot ang karaniwang residential installation sa Pilipinas sa humigit-kumulang P200,000 hanggang P300,000 o higit pa, depende sa laki ng system at kung may battery backup. May mas murang setup, pero limitado lamang ito sa ilaw, bentilador, at ilang appliances. Hindi nito kayang tumakbo sa buong bahay kung malalakas ang gamit tulad ng aircon o water pump.

Hindi rin sapat ang basta pagbili at pagkakabit. Kailangang nakaayon ang laki ng solar panel system sa aktwal na konsumo ng kuryente ng bahay, karaniwang sinusukat sa kilowatt-hour. Kapag mali ang sizing, maaaring kulang ang supply o sumobra ang gastos.

Mahalaga rin ang tamang posisyon ng panel. Sa Pilipinas, mas mainam na nakaharap sa timog at walang sagabal gaya ng puno o gusali. Kahit bahagyang anino ay nakakaapekto sa performance dahil sa paraan ng pagdaloy ng kuryente sa bawat cell ng panel.

Mas kritikal ang usapin ng kaligtasan. Ang solar system ay may kinalaman sa DC at AC electricity, kaya kapag mali ang wiring ay maaaring magdulot ng sunog o aksidente. Dahil dito, kailangan ang lisensiyadong electrician o accredited installer, lalo na sa inverter connection, grounding, at circuit protection.

Sa mga grid-connected system, kailangan ding dumaan sa net metering application sa mga utility tulad ng Meralco o electric cooperatives. Layunin nito na masigurong ligtas ang koneksyon sa grid at maayos ang pagsukat ng kuryenteng ibinabalik sa linya.

May iba’t ibang uri rin ng solar setup. May maliliit na portable system para sa gadget charging at ilaw, at may malalaking residential system para sa buong bahay. Ngunit kahit alin pa rito, mahalaga ang tamang disenyo at tamang pagtataya ng konsumo bago magpakabit.

Aang solar energy ay hindi simpleng “kabit at gamit” na teknolohiya. Isa itong electrical system na­ ­nangangailangan ng tamang disenyo, tamang installation, at pagsunod sa safety at regulatory requirements. Libre man ang araw, ang paggawa nito ng kuryente para sa bahay ay may kaakibat na gastos at responsibilidad.

• • • • • •

Email- [email protected]

SOCIAL MEDIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with