May loan sa kompanya puwede bang mag-resign?
Dear Attorney,
Puwede ba akong mag-resign kahit may loan ako sa company? May lilipatan akong kompanya na may malaking offer at kung papalampasin ito, baka hindi na ako makaahon sa aking mga pagkakautang. —Rose
Dear Rose,
Ang pagre-resign ay boluntaryong gawain kaya maari itong gawin ng empleyado anuman ang kanyang dahilan. Hindi naman puwede ang involuntary servitude o pagpilit sa sinuman na magtrabaho ng labag sa kanilang kalooban.
Kaya sa tanong mo na kung puwedeng ka bang mag-resign, puwede.
Ngunit hindi naman ibig sabihin nito na ligtas ka na sa iyong mga obligasyon. Tandaan na ang tinatapos lamang ng resignation ay ang employee-employer relationship.
Kailangan pa ring panagutan ng nag-resign na empleyado at ng kanyang dating employer ang mga natitirang obligasyon nila sa isa’t isa, katulad ng mga hindi pa nababayarang utang.
Hindi mabubura ng resignation mo ang kung anumang obligasyon mo sa iyong employer ukol sa inutang mo kaya kahit hindi ka na empleyado ay kailangan mo pa rin bayaran ito alinsunod sa inyong napagkasunduan.
Pinakamabuting gawin ay liwanagin mo muna sa iyong employer kung paano mo mababayaran ang pagkakautang mo kung ikaw ay magre-resign na, para wala nang isyu kapag ikaw ay tuluyan nang umalis sa kompanya.
- Latest















