^

Punto Mo

Trillanes vs. Duterte’s, damay ba si Chiz?

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

HINDI man natuloy ang pagtestigo ni dating Sen. Antonio Trillanes sa impeachment trial kay VP Sara Duterte ay nagpasabog naman ito ng mga rebelasyon hinggil sa unexplained wealth ni VP Sara Duterte. Tumbok sa alegasyon ngayon ni Trillanes ang mahiwagang eksportasyon na P316 milyon na halaga ng banana chips na naipagbili ng CALE 88 na pag-aari nina Mans Carpio at Sara sa China na binubusisi ngayon sa Senado. Tanungin din si BOC Comm. Ariel Nepomuceno sa recorded volumes of incoming and outgoing shipments ng CALE 88.

Pinalalabas ng mga kritiko na ginagamit ang CALE 88 para maluwag na makapasok sa bansa ang suportang pinansyal ng China sa pampulitikang ambisyon ng grupo ni VP Sara na pinaniniwalaang mga Pro-China.

Nagsimula ang alitan nina Digong at Trillanes sa ginawang imbestigasyon ng Quadcom noong 2016 na sumentro ang usapin sa libu-libong namatay sa war on drugs. Napalutang ni Trillanes sina Edgar Matobato at Arturo Lasca?s na kapwa umamin na naging killers sila ng Davao Death Squad at marami silang pinatay sa Davao City dahil sa utos ni Digong. Humantong ito sa pagkakakulong ni Digong sa ICC.

Binawi ni Digong noong 2018 ang amnestiyang bigay ni Noynoy kay Trillanes nang maupo ito noong 2010 pero nilinaw ng korte suprema na labag sa saligang batas ang ginawang hakbang na ito ni Digong kaya naging lehitimo ang pagpapalaya ni Noynoy kay Trillanes. Dito lumala ang alitan nina Trillanes at Digong.

May mga pahiwatig si Trillanes na bantayan daw ang Presiding Officer ng VP Sara Impeachment Trial matapos na kusa itong umayaw. Nadagdag na ba si Chiz sa list of enemies ni Trillanes?

May kinakaharap na kaso ng plunder si Chiz dahil sa salaysay ni former DPWH Undersecretary Roberto Bernardo na may kickback na P586-M na nakolekta ang nakapangalan kay Chiz. Lagot!

Isinabit din ni Atty. Eldrige Marvin Aceron si Chiz base sa COA Audit report dahil financial irregularities na may halagang P352.6 million noong gobernador pa ito ng Sorsogon sa pagitan ng 2019-2022. Kalkalin kaya ito ni Trillanes? Arekupoo!

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with