^

Punto Mo

Drayber sa ­ambush kay Boss Perry, dami kaso!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

MALAKING pagkakamali ang ginawa ng driver ng motorsiklong sinakyan ng mga suspects sa pagpaslang sa ­negosyanteng si Perry Mariano nang magpadala s’ya ng pera sa kanyang ­pamilya. Doon s’ya nakilala ng mga operatiba ng Quezon City Police District.

Sa tulong ng CCTV, nakuha ang pangalan ng suspect, at ikinumpara ang template n’ya sa narekober na fingerprints sa motor, helmet at side mirror ng ginamit nilang motorsiklo na inabandona sa Scout Rallos sa Timog Ave.

Sa ngayon, tuluy-tuloy lang ang follow-up operationg ng SITG na itinayo ni QCPD director Brig. Gen. Randy Glenn Silvio outside ng Metro Manila kung saan tumakbo ang dalawang suspects. Halos 15 katao o witnesses na ang na-interbyu ng SITG ni Silvio kaya malakas ang paniniwala nilang malulutas ang kaso ni Boss Perry, at ang driver nitong si Norberto Orimaco, 51.

Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

 Lumalabas sa paunang imbestigasyon na itong driver ay isang ­miyembro ng gun-for-hire syndicate at marami na itong hinaharap na kasong murder at frustrated murder. Araguyyyyy!

Sa kasalukuyan, kino-crossmatch ng QCPD ang mga bala na narekuber sa ambush site sa iba’t-ibang insidente ng pananambang, hindi lang sa Metro Manila, kundi maging sa kalapit nitong lugar para malutas din ang iba pang nakabinbin na kaso. Purbidang yawaahhhhh!

Sinabi ng kosa ko na ang money transfer shop kung saan nagpadala ng P500 ang driver sa kanyang dating pamilya ay malapit lang sa pinangyarihan ng ambush. “Matagal na sinusubaybayan ng driver at kasama ang biktima dahil naghulog s’ya ng pera sa money transfer shop ng 11 a.m. tapos ang ambush ay nangyari ng bandang alas tres ng hapon noong nakaraang Martes,” ayon sa kosa kong imbestigador. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

 Wala pang linaw kung ano ang motibo sa pagpaslang kay Boss Perry at kay Orimaco, na mukhang biktima lang ng pagkakataon. Hindi naman kasi si Orimaco ang driver ni Boss Perry kundi nagpahatid lang s’ya rito sa bahay n’ya sa Teacher’s Village, na kalapitan lang. Si Boss Perry ay nagpapatakbo ng STL at may bago pa itong negosyo na Trifecta sa bilyar at marami s’yang nakasalamuhang “bigtime” na mga financiers.

Kaya’t ayaw muna banggitin ng kosa ko kung ano ang motibo sa pagpaslang, hanggang sa mahuli ang mga suspects, para ituga na rin ang mastermind sa kaso. Mismooooo!

Maging si PNP chief Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez Jr. ay malaki ang paniniwala na malulutas ng QCPD ang kaso ni Boss Perry. Inutusan ni Nartatez si Silvio na silipin ang lahat ng pinasok na negosyo ni Boss Perry at t’yak lulutang ang motibo sa ambush-slay. Dipugaaaaa! Bukod sa 1602, si Boss Perry ay may negosyo ding mga beerhouses at nightclubs sa iba’t ibang bahagi ng Quezon City. Abangan!

PERRY MARIANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with