Ambush-slay ni Boss Perry, masalimuot!
DAPAT gisahin ni QCPD director Brig. Gen. Randy Glenn Silvio itong mga gambling lords na sina alyas “Ver Bikol” at “Pinong” sa ambush-slaying ng negosyanteng si Ceferino “Perry” Mariano. Sinabi ng mga kosa ko na itong sina Ver Bikol at Pinong ang nagpagulo ng buhay ni Boss Perry.
Si Ver Bikol ang huling kausap ni Boss Perry bago s’ya tambangan ng riding-in-tandem sa kanto ng Timog Ave., corner EDSA sa Bgy. Sacred Heart nitong Martes. Alamin dapat ng mga imbestigador ni Silvio kung ano ang pinag-usapan nina Boss Perry at Ver Bikol at maaring makatulong ito sa pagkalutas ng kaso. Mismooooo! Anong sey n’yo mga kosa? Kanya-kanyang gimik lang talaga!
Sina Boss Perry, Ver Bikol, Tepang, Elmo at the late Danny Sarmiento ay mga “magkaututang-dila” noong kapanahunan pa ng “jai-alai.” Lalong tumingkad pa ang samahan nila ng panahon ng Peryahan ng Bayan, na pinapatakbo ni Boss Perry dahil umabot sa halos P8 milyon ang kubransa kada araw.
Naipasara ng korte ang Peryahan ng Bayan at ang pumalit nga ay ang palaro ng PCSO na Small Town Lottery. Ang kainaman lang, si Boss Perry pa rin ang naatangang magpapatakbo ng STL. Subalit sa kinalaunan, imbes na tumaas ang ingreso ng STL, abayyyyy bumababa ito at ‘yaon pala pumasok na ang raket nina Ver Bikol at Pinong. Hehehe! Ang sakit sa bangs nito!
Kinukubot pala nina Ver Bikol at Pinong ang kubransa ng STL. Kung ang bigay ng STL sa mga kubrador ay 35 percent, itong tropa naman nina Ver Bikol at Pinong ay nag-offer ng 50-50 na sistema. Ang ibig sabihin ng mga kosa ko, halimbawa ang malaking kubrador ay gumagana sa P500,000 na kubransa, halos P200,000 lang ang iniingreso sa STL at ang P300,000 ay kay Pinong. So kada araw, kumikita sina Pinong at Ver Bikol ng malinis na P45,000. Eh ilang kabo ‘yang sumali sa raket ng dalawang gambling lords? Get’s n’yo mga kosa?
Kapag may huli naman, may tatawag lang sa kapulisan at sasabihing STL sila. Itong STL ay may intelihensiya samantalang ang kay Pinong at Ver Bikol ay wala, kaya’t malakas ang loob nila na lumaban ng 50-50. Kaya’t apektado ng todo ang kubransa ng STL at hindi ito umaalagwa. Ang kubransa naman ni Pinong ay itinatawid sa Provident Village sa Marikina City. Dipugaaaaa!
Malakas naman ang loob ni Silvio na malulutas nila ang kaso dahil nakuhanan ng CCTV footage ang pag-ambush at maging ang mga mukha ng mga suspects, na naikalat na sa social media. Si Boss Perry ay kaibigan ng lahat na media, kahit itanong n’yo pa kay kosang Mon Tulfo. Nakikiramay si Dipuga sa pamilya ni Boss Perry. Sana malutas kaagad ang kaso para manahimik na ang kaluluwa n’ya. Abangan!
- Latest















