^

Punto Mo

EDITORYAL — Aksiyon ng DENR sa landfill smoke

Pang-masa

HANGGANG ngayon, wala pang malinaw na solusyon ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa nasusunog na Navotas sanitary landfill. Sabi ng Bureau of Fire Protection, naapula na raw ang sunog. Sabi naman ng mga nakasaksi, patuloy pang nasusunog ang landfill. Hindi malaman kung sino ang nagsasabi ng totoo.

Nasunog ang 40-ektaryang tambakan ng basura sa Navotas noong Abril 10. Apektado ng usok ang mga lungsod ng Quezon, Malabon, Valenzuela, Maynila, at Obando, Bulacan. Ang naipon na methane gas mula sa basura ang dahilan ng sunog. Dahil sa lawak ng sunog, nangitim ang papawirin sa Metro Manila.

Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko na magsuot ng face masks para maprotektahan ang sarili. Lubhang mapanganib ang hangin kapag nalanghap ng senior citizens, mga buntis, mga bata at mga may respiratory problems. Sabi ng DOH, hindi sapat ang regular na face masks para maprotektahan sa usok na galing sa landfill.

Sabi ng DOH, iwasan ng mamamayan na magtagal o magbabad sa labas ng bahay para hindi ma-expose sa usok mula sa nasusunog na basura. Maraming pinong particles ang usok na lubhang mapanganib sa kalusugan. Ayon sa DOH, magsuot ng N95 o K95 masks para maproteksiyunan sa pinong particles. Pumapasok umano sa baga ang pinong particles at maaring magdulot ng malalang sakit lalo na sa mga bata at matatanda.

Dahil sa pagkasunog ng Navotas landfill, masama ang air quality index sa Maynila, Quezon City, Malabon at Valenzuela. Lalong lumala ang air pollution sa mga nabanggit na lungsod. Kung hindi pa maaapula ang nasusunog na landfill, maaring lumala pa ang kalidad ng hangin at maapektuhan na ang maraming lungsod sa Metro Manila. Mapupuno ng air pollution ang kalakhang Maynila. Ang mga sakit na idinudulot ng air pollution ay acute respiratory infections, chronic obstructive pulmonary diseases at cardiovascular diseases.

Ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang may responsibilidad sa ­lumalalang problema ng air pollution hindi lamang sa Metro Manila kundi sa buong bansa. Sabi ni ­acting DENR secretary si Juan Miguel T. Cuna nang maupo ilang buwan na ang nakararaan, isusulong niya ang responsableng pamamahala sa kalikasan at kapaligiran. Ang pangakong ito ang hinahanap ngayon. Nasaan na ang mahusay na pamamahala? Bakit wala pa ring pagbabago sa kalidad ng hangin sa Metro Manila?

Isulong o ipatupad ang Clean Air Act of 1999 upang maging malinis ang nilalanghap na hangin hindi lamang sa Metro Manila kundi sa buong bansa.

LANDFILL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with