^

Punto Mo

EDITORYAL — Ituloy, pagtapyas sa excise tax!

Pang-masa

EXCISE tax lamang sa liquefied petroleum gas (LPG) at kerosene ang sinuspende ni President Ferdinand Marcos Jr. noong Lunes. Sabi ni Marcos, ang dalawang produkto ang laging ginagamit ng mga Pilipino. Wala siyang nabanggit sa suspension ng excise tax sa gasolina at diesel.

Ang announcement ni Marcos sa suspension ng excise tax ng LPG at kerosene ay eksakto naman sa pag-rollback ng presyo ng diesel at gasolina.  Bumaba ng P20.89 kada litro ang diesel, samantalang ang gasolina ay bumaba ng P4.43 kada litro at ang kerosene ay P8.50 kada litro. Mula nang sumiklab ang giyera sa Middle East, umabot sa P153 ang kada litro ng diesel at P96.50 sa gasolina.

Ang malungkot na balita, may taas presyo uli ang petroleum products sa susunod na linggo. Resulta ito nang pumalpak na pag-uusap ng United States at Iran ukol sa ceasefire. Hindi sila nagkasundo lalo’t nakikialam ang U.S. sa pagdaan ng mga barko sa Strait of Hormuz. Mula nang sumiklab ang giyera sa pagitan ng U.S, Israel at Iran noong Pebrero 28, isinara ang Hormuz kaya apektado ang delivery ng crude oil sa maraming bansa sa mundo kabilang ang Pilipinas.

Wala pang dapat ipagsaya sa ipinatupad na rollback. Hindi pa ito ang remedyo sa nararanasang krisis. Wala pa itong idudulot na kagaanan sa buhay ng mga Pilipino. Hindi ito ang kasagutan sa matagal nang dalangin ng nakararami.

Ang hinihintay ay ang pagsuspende ni President Marcos sa excise tax ng mga produktong petrolyo. May emergency powers na si Marcos para isuspende ang excise tax subalit urung-sulong siya ukol dito. Pag-aaralan pa raw kung tatapyasin din ang excise tax sa gasolina at diesel. Tatalakayin pa raw sa meeting ng Cabinet.

Hindi pa lubusang bababa ang presyo ng petroleum products kaya dapat tinapyas na rin ang excise tax sa gasoline at diesel. Totoong kailangan ang pondo mula sa excise tax subalit, mas mahalaga ba ito kaysa sa kasalukuyang nangyayari na naghihirap ang mamamayan dahil sa taas ng bilihin dulot ng oil price hike?

Kung talagang gusto ng pamahalaan na mapagaan ang buhay ng mga Pilipino, isuspende rin ang excise tax ng diesel at gasolina. Malaking tulong ito sa mamamayan. Kapag normal na ang sitwasyon, ibalik ang excise tax sa petroleum products.

EXCISE TAX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with