‘Pitaka’ (Part 7)
HANGGANG pumasok ang manager ng kompanya na mag-iinterbyu sa mga aplikante. Tumahimik ang lahat.
Maya-maya pa, nagsimula nang tumawag ng pangalan ang babaing namamahala sa kuwartong kinaroroonan namin.
Unang tinawag ay babae. Makalipas lamang ang 15 minutes ay tapos na ang interbyu. Lumabas ang babae na nakasimangot. Baka hindi nagustuhan ng manager ang sagot ng babae. Maaaring maligoy ang pagsagot ng babae.
Sunod na tinawag ay lalaki. Makalipas ang 15 minutos, tapos na ang interbyu.
Hanggang ako na ang sunod na tinawag.
Pumasok ako sa room ng manager. Malawak ang room. Malamig.
“Good morning Sir.”
“Sit down please,” sabi ng manager.
Naupo ako.
Hanggang sa mapagtuunan ko ang pangalan ng manager na nakaulit sa marble:
TOMAS GARCE, manager
Parang nabasa ko na ang pangalang iyon pero hindi ko maalala. (Itutuloy)
- Latest




















