^

Punto Mo

‘Pitaka’ (Part 5)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

“ANONG nangyari sa interbyu mo Kuya? Natanggap ka ba?” tanong ng kapatid kong si Tessa makaraang lumabas sa banyo.

“Bukas pa malalaman. Pero bukas, may panibagong interbyu uli ako—Makati rin.”

“Sana matanggap ka na Kuya. Inaalala ko ang pambayad sa tuition. Saan tayo kukuha ng pambayad? Next month ay final exams na. Kailangan makabayad na ako ng tuition.”

“Magkano pa ang babayaran mo?”

“Five thousand Kuya.”

Tumango ako.

“Gagawa ako ng paraan para mabayaran ang tuition.”

“Saan ka kukuha Kuya?”

“Bahala na—basta ako ang bahala.”

“Malapit na rin ­tayong magbayad dito sa kuwarto.”

Tumango na lamang ako.

Nag-iisip na nakati­ngin sa akin si Tessa.

Hindi ko sinabi sa kanya na nakapulot ako ng pitaka na may laman na P10,000. Saka ko na lang sasabihin. (Itutuloy)

WALLET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with