^

Punto Mo

‘Pitaka’ (Part 1)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

NANGYARI ang karanasan kong ito noong ako ay kaga-graduate sa kolehiyo at naghahanap ng trabaho. Desperado na akong makahanap ng trabaho sapagkat mayroon akong pinag-aaral na kapatid.

Kapag hindi pa ako nakakita ay mauubos na ang kaunti kong naitatabi. Bukod sa pinag-aaral na kapatid ay umuupa kami ng kuwarto. Ayaw ko namang umasa sa aming mga magulang sa probinsiya na ang pagsasaka ang ikinabubuhay. Naipangako ko sa sarili na titindig sa sariling mga paa. Nagtagumpay akong makatapos ng Commerce sa sariling pagsisikap.

Pero kahit pala nakatapos, mahirap ding makahanap ng trabaho.

Nang araw na iyon, sa Ayala Avenue ako nag-aplay ng trabaho. Kasya lamang ang pera ko sa pamasahe at pangmeryenda. Kapag nalaglagan ng singko ay hindi ako makakauwi sa tinitirhan sa Sampaloc.

Natapos ang ­aking interbyu ng alas onse ng umaga. Hindi na ako nagmeryenda. Uuwi na lamang ako at dun kakain.

Habang naglalakad sa Ayala Avenue, malapit sa Makati Avenue, nakita ko ang isang pitaka sa bangketa. Makapal. Halatang maraming laman. Pinulot ko. (Itutuloy)

WALLET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with