^

Punto Mo

Pag-iisyu ng certificate of employment

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

May freelance nurse po na nag-aalaga sa nanay ko bilang caregiver. Hindi na po namin kailangan ang kanyang ­serbisyo kaya tinapos na namin ang arrangement. Ngayon po ay humihingi siya ng certificate of employment. Kailangan po ba naming magbigay nito kahit freelancer lang siya? – Lori

Dear Lori,

Ang obligasyon na magbigay ng certificate of employment ay karaniwang umiiral lamang kung may employer-employee relationship. Ang karapatang ito ay kinikilala sa Labor Advisory No. 06-20, na nagsasaad na ang isang empleyado ay may karapatang humiling ng certificate of employment mula sa kanyang employer, at ang employer ay inaasahang magbigay nito sa loob ng tatlong araw.

Katulad ng naunang nabanggit, may obligasyon lamang ang employer na mag-isyu ng COE kung may malinaw na employer-employee relationship. Kung ang caregiver ay tunay na freelancer at may kalayaan sa paraan ng pagtatrabaho, at hindi siya saklaw ng kontrol na karaniwan sa isang employer-employee relationship, masasabing hindi siya empleyado ng kanyang pinagsisilbihan.

Sa ganyang sitwasyon, maaaring hindi kayo legal na obligadong magbigay ng certificate of employment dahil maaring sabihin hindi naman kayo employer at ang relasyon ninyo ay isang independent service arrangement lamang. Gayunman, walang pumipigil sa inyo na magbigay ng isang dokumento na nagsasaad ng uri ng serbisyo na ibinigay niya at ang panahon kung kailan siya nagtrabaho bilang caregiver. Ang ganitong dokumento ay hindi kailangang tawaging certificate of employment dahil hindi naman siya empleyado; maaari itong ilarawan bilang certification of service o confirmation ng kanyang engagement sa inyo bilang freelance caregiver.

Sa madaling sabi, kung walang employer-employee relationship, walang mahigpit na legal na obligasyon na magbigay ng certificate of employment. Gayunpaman, bilang praktikal na hakbang at bilang pagkilala sa serbisyo na kanyang ibinigay, maaari pa rin kayong mag-isyu ng isang simpleng certification na naglalahad ng katotohanang nagbigay siya ng caregiving services sa inyong pamilya sa isang tiyak na panahon. Ang ganitong hakbang ay karaniwang nakatutulong sa kanya sa paghahanap ng susunod na trabaho, ngunit kasabay nito ay hindi naman kayo umaako ng pananagutang hindi naman nakatakda sa batas.

 

 

CERTIFICATE OF EMPLOYMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with