^

Punto Mo

20 nakadidiring katotohanan sa mga hinahawakan mo araw-araw

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

1. Mas maraming bacteria ang restaurant menu kaysa sa upuan ng inidoro sa banyo.

2. Ang mga kagamitan sa gym ay may 362 beses na mas maraming mikrobyo kaysa sa upuan ng inidoro (toilet seat).

3. Ang TV remote sa hotel ang pinakamaduming bagay sa loob ng kuwarto, mas marumi pa kaysa sa sahig ng banyo.

4. Mas maraming bacteria ang nakakapit gas pump handles kaysa door knob ng public restroom.

5. Kasingdumi ng ATM buttons ang suwelas ng inyong sapatos.

6. May nakitang “traces” ng ihi, sipon at dumi ng tao ang escalator handrails.

7. Ang mga hawakan ng shopping cart ay nagpositibo sa Escherichia coli infection (E. coli) sa 72 porsiyentong  mga sinuring sample.

8. Mas maraming bacteria ang iyong mesa sa opisina kaysa sa inidoro sa opisina.
Sa katunayan, 400 na beses na mas maraming bacteria ang maaaring makita sa iyong office desk kaysa sa toilet seat ng opisina.

9. Ang iyong cellphone ay maaaring may 10 beses na mas maraming bacteria kaysa sa toilet seat, dahil palagi mo itong hinahawakan at bihira linisin.

10. Ang keyboard ng computer ay maaaring may limang beses na mas maraming mikrobyo kaysa sa toilet seat, lalo na kung kumakain habang nagtatrabaho. (Itutuloy)

MADUMI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with