^

Punto Mo

Mahahalagang oras ayon sa mga scientist

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

5:48 a.m.

Ito ang oras kung kailan mataas ang sex drive ng isang  tao. Ayon sa British Medical Journal, sumasabay ang ating katawan sa pagsikat ng araw para maglabas ng maraming testosterone, ang sex hormone.

6:53 a.m.

Oras kung kailan malaki ang tsansa na atakihin sa puso at mamatay. Napag-alaman ng researchers ng Harvard University,  ito ang oras kung kailan himbing na himbing sa pagtulog ang isang tao, at the same time, nagkakaranas ng matinding panaginip. Sa katindihan, bumibilis ang tibok ng puso at ang adrenal glands ay naglalabas ng maraming adrenaline. Ang resulta ay biglaang paggising na nagiging dahilan ng pagputok ng ugat sa puso.

7:35 a.m.

Karamihan ay sa oras na ito gumigising, ayon sa UK Sleep Report. Nagiging mababaw na ang pagtulog dahil ito ang tayming kung kailan naglalabas ng orexin ang katawan. Ang orexin ay ang wakefulness hormone.

8:00 a.m.

Ito ang sandaling ang mga tao ay napakasaya, konklusyon ng mga researchers ng Cornell University. Ibinase nila ang konklusyon sa kinolekta nilang mga mensahe mula sa Twitter. Ito raw ang oras kung kailan nagpo-post ang mga tao ng kanilang happiest messages.

10:06 a.m.

Ito ang oras na sinisipag mag-ayos at magpaganda  ng sarili ang mga tao. Ang konklusyon na ito ng mga researchers ay mula  isanlibong babae na inobserbahan nila ang ikinikilos araw-araw.

11:00 a.m.

Malaki ang tsansa na mamatay ang isang tao sa ganitong oras. Ito ay magkakatotoo sa mga taong sobrang maagang gumising at nagtataglay ng AA genes. Ang konklusyon ay ibinatay sa obserbasyon nila at medical records ng 1,200 tao na may edad na 65 years old.

SCIENTIST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with