‘Bantay’
(Part 11)
“NANDUN po sa ilalim ng puno. Dun po siya nanggaling nang tulungan ako,’’sabi ko sa pulis.
“Kilala moba siya?”
“Hindi po. Bigla na lang pong lumitaw nang kinukuha na ng holdaper ang mga gamit ko—cellphone, relo at alahas.”
“Kanina mo lang siya nakita?”
“Opo Sir. Gulat na gulat nga po ako.”
“Bigla niyang hinampas ang holdaper?”
“Opo Sir.”
“Saan tinamaaan?”
“Sa mukha po. Malakas po ang pagkakahampas. Isangh hampas lang po ay bumulagta ang holdaper.”
“Di ba sabi mo may kasama ang holdaper?”
“Meron po.”
“Nasaan ang isang holdaper habang pinapalo ang kasama niya?
“Nasa may kalsada po—Lookout. Nang magsisigaw ako, tumakbo siya pero hinabol ng mga tao at kinuyog. Hanggan sa dumating na nga po ang police car ninyo.”
“Nasaan na ang taong tumulong sa iyo? Bakit ayaw lumantad?”
“Parang diyan po yata nakatira sa ilalim ng puno.”
Tinungo ng pulis ang ialim ng puno.
Tinawag ang sinasabing lalaki na tumulong sa akin.
Matagal bago lumabas ang lalaki.
Gulat na gulat ako nang nakita kung sino ang lalaki.
Hindi ako maaring magkamali.
Siya talaga!
(Itutuloy)
- Latest
















