^

Punto Mo

‘Bantay’ (Part 2)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAPATINGIN nang makahulugan sa akin si Mayette nang sabihin kong huwag bibigyan ng pera ang “bantay” sa convenience store na binilhan namin ng pagkain para sa lunch. Madalas kami ni Mayette sa nasabing store dahil katapat lang ng aming office. Tatawid lamang kami ng kalsada.

“Napakalupit mo naman Girle. Para beinte pesos lang ang ibibigay sa lalaki e tutol ka na.”

“Kasi nga nagiging tamad sila. Sa halip na humanap ng trabaho ay ang pamamalimos ang inaatupag.”

“E siguro, yan ang alam nilang trabaho.”

“Sabihin mo, ayaw magbanat ng buto. Gusto kikita ng pera e yung hindi papawisan.”

“Siguro naghahanap naman e wala lang makita.”

“Hindi! Mga tamad talaga. Bakit ba yung mga bulag, nagmamasahe. Mas matindi ang kapansanan ng mga yun pero hindi namamalimos. Hindi “bantay” at taga-bukas ng pinto. Malay natin, baka tumatanggap ng ayuda ang mga yan?ideline lang ang “bantay”. Baka nagkukunwari lang na pulubi.”

“Hayaan mo na Girlie,” sabi ni Mayette.

Paglabas naming sa store, inabutan ni Mayette ng P20 ang “bantay”.

Inis na inis ako.

 (Itutuloy)

BANTAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with