3rd impeachment complaint vs BBM, puro ingay lang!
Naguguluhan ang mga Pinoy dito sa grupo nina Mike Defensor, at Manong Chavit Singson na abot-langit ang kagustuhang magsampa ng impeachment complaint laban kay President Bongbong Marcos. Seryoso ba sila o nag-iingay lang? Kasi nga, sumulpot sina Defensor, Chavit at Atty. Ferdinand Topacio at iba pa sa House of Representatives last week para isampa ang kanilang reklamo. Ang problema lang ay wala dun si House Secretary General Atty. Cheloy Garafil dahil nasa Taiwan ito upang tanggapin ang recognition o award na iginawad sa kanya ng Taiwanese government. Abayyy, nagsisigaw kaagad ang tropa nina Defensor at Manong Chavit na rejected ang kanilang impeachment complaint. Kaya hanggang nitong nagdaang mga araw, nag-iingay pa ang kampo nina Defensor at Manong Chavit, at nagyayabang pa na ang kanilang prime witness ay si ex-Rep. Zaldy Co. Anong sey n’yo mga kosa? Puro psywar lang? Purbidang yawaahhh!
Ang tanong ng mga kosa ko sa Hauz, na hindi si kosang Cesar Barquilla, paano maging rejected ang impeachment complaint nina Defensor at Manong Chavit eh wala namang silang iniwang papel. Hindi lang ‘yan! Wala ding endorser na Tongressman…este Congressman ang kanilang reklamo? Noong umaga kasi ng Huwebes, nagsampa rin ng impeachment complaint ang Makabayan bloc at pirmado nina Rep. Antonio Tinio et al ang kanilang dokumento. Gets n’yo mga kosa? Sinabi pa ng mga kosa ko na pagdating ng mga complainants sa Hauz, parang may prepared na senaryo na sila, ay ‘yaon nga ang ginamit nilang isyu para mag-ingay. Ang sabi ng kampo nina Defensor at Manong Chavit may tatlo silang congressmen na susuporta sa kanilang impeachment complaint subalit, ang tanong, bakit hindi nila pinapirma ang mga ito? Shy lang? O takot? Dipugaaaaa! Nagpa-interbyu na sila sa radio, TV at diyaryo kaya’t wala nang dahilan para matakot sila. Si Manong Chavit pa? Sa edad n’yang ‘yan, wala ng kinatatakutan itong si Manong Chavit, di ba mga kosa? Battle-tested na s’ya.
Hindi naman nag-iwan ng dokumento nila ang mga complainant, at imbes sinabi nilang didiretso sila sa Supreme Court. Abayyy ‘yun ‘ata ang tamang hakbangin nila. Isinisigaw kasi ng kampo nina Defensor at Manong Chavit na ang pag-reject ni Atty. Garafil ng kanilang impeachment complaint at hayagang paglabag sa rules ng Hauz at sa 1987 Philippine Constitution. “Impeachment is not a political favor. It is a constitutional right. It is the only formal process through which citizens, through their representatives, can seek accountability from the highest official of the land,” anila.
Dumarami itong bilang ng mga anti-BBM na gustong pabagsakin itong gobyerno n’ya. Naunang nag-ingay itong si Rep. Francisco “Meow, Meow” Barzaga, sinundan ni Rep. Leandro Leviste at si Manong Chavit. Subalit wa epek o di man lang natinag si BBM sa mga akusasyon nila. Kung sabagay, hindi lang naman si BBM ang nakaharap ng impeachment complaint kundi maging si VP Sarah Duterte. Kapag nagtagumpay na maalis sa puwesto itong sina BBM at VP Sara, ang uupong presidente ay si Senate Pres. Tito Sotto. Tsk tsk tsk! T’yak mula Aparri hanggang Jolo magselebra ang mga Pinoy! Abangan!
- Latest















