^

Punto Mo

Money Laundering, gawain ng demonyo!

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

HINDI madaling mauunawaan ng pangkaraniwang mamamayan ang epekto ng mga salaping nakaw o nagmula sa iligal na negosyo na naipasok ng mga kriminal na dayuhan sa ating bansa para dito linisin.

Lumilikha ito ng abnormal na galaw ng ekonomiya dahil ang umiikot na pera sa sirkulasyon ay walang ka­pantay na produksyon mula sa likas na yaman, pananim, negosyo at serbisyo. Nag­reresulta ito ng inflation na nagpapahina sa halaga ng piso na lalong nagpapahirap sa mamamayan.

Ang pakikialam sa pulitika ng mga money launderers na dayuhan para maitago at mahugasan sa bansa natin ang pera nilang nagmula sa kawalanghiyaan ay napatunayan na natin sa pagsulpot ni dating Mayor Alice Guo na isa palang tsekwa at Cassandra Li Ong na inalalayan ni Harry Roque na noo’y Malacañang Daldalero. Nakapamili sila ng mga agricultural lands sa Tarlac at Pampanga para makapagtayo ng mga bulwagan ng kade­mon­yohan sa tulong ng mga hunghang nating mga government officials. Tama ba textmates Dan Fernandez?

Nabigla ang karamihan sa naririnig natin mula sa  witness na si Atty. Alexander Cabrera na isang financial expert sa impeachment trial ni VP Sara sa senado kung papaano naga­gawang itago at palundag-lundagin na parang nagsasayaw ng ‘‘Tinikling’’ ng mga money launderers ang iligal na pera nila sa loob ng bansa natin na may kakutsabang maimpluwensiyang tao.

Nasaan na nga ba ang mga ninanakaw ng mga pulitiko?.. Malamang na ibiniyahe na rin nila sa ibang bansa na nakapangalan sa mga kapamilya nilang mga wala namang hanapbuhay. Parang ‘‘kiti’kiti’’ lang na magiging lamok na sisipsip sa dugo natin sa susunod na panahon. Mga pulitikong nakadekwat sa salapi ng bayan ay mga  money launderers din sa ibang bansa. Kademonyohan,.’di ba?

Nasa P19 trilyon na ang utang ng Pilipinas at kung kukuwentahin natin ay may utang na ang bawat isang pilipino nang P169,000.00 mula sanggol hanggang sa pinakamatanda. Dahil ‘yan sa mga magnanakaw at demonyong money lauderers na pulitiko!

MONEY LAUNDERING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with