^

Punto Mo

Paulit-ulit na renewal ng kontrata

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Tatlong taon na pong nare-renew ang employment contract ko sa parehong kompanya. Bawat kontrata ay fixed-term, pero pareho lang naman ang trabaho ko at tuluy-tuloy ang serbisyo ko. Sinasabi nilang hindi raw ako mare-regular dahil contractual lang ako. Tama po ba iyon? Hanggang kailan po ba dapat para ako ay ma-regular? – Clare

Dear Clare,

Sa ilalim ng batas, hindi maaaring gamitin ang sunud-sunod na pagre-renew ng kontrata upang ipagkait ang regularization sa isang empleyado kung siya naman ay gumagawa ng trabahong mahalaga at karaniwang bahagi ng negosyo ng employer. Ayon sa Labor Code, ang isang empleyado ay maituturing na regular kapag siya ay nakapagsilbi na ng hindi bababa sa anim na buwan at ang kanyang trabaho ay kinakailangan o desirable sa karaniwang negosyo ng kumpanya.

Hindi illegal ang fixed-term employment pero ayon

sa mga kasong napag-desisyuan ng Korte Suprema , ang fixed-term employment ay valid lamang kung ito ay tunay na napagkasunduan ng mga partido at hindi lamang ginawa para maiwasan ng employer na magkaroon ng tenure o seguridad sa trabaho ang kanyang mga empleyado.

Sa iyong sitwasyon, kung ang tatlong taon ng tuluy-tuloy na serbisyo mo ay patungkol sa trabahong kinakailangan at karaniwang bahagi ng negosyo ng employer ay higit pa sa sapat upang ituring kang regular employee sa ilalim ng batas, anuman ang tawag sa iyong kontrata.

Ang patuloy na pag-renew ng fixed-term contracts sa iyong kalagayan ay indikasyon na iyan ay ginagawa lamang para maiwasan ng employer na ikaw ay magkaroon ng security of tenure.

Sa madaling sabi, hindi maaaring i-renew nang walang hanggan ang kontrata upang ipagkait sa empleyado ang regular status. Kung ang trabaho mo ay mahalaga sa negosyo at tatlong taon ka na sa serbisyo, may matibay kang batayan upang igiit na ikaw ay isang regular employee at may karapatang maghabol ng mga benepisyo at proteksyon na kalakip nito. Maaari kang dumulog sa DOLE o NLRC hinggil sa iyong mga karapatan bilang isang regular employee.

CONTRACT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with