^

Punto Mo

EDITORYAL - Wala pang ‘malaking isda’?

Pang-masa
EDITORYAL - Wala pang ‘malaking isda’?

ANONG nangyari sa pangako na bago mag-Pasko ay may makukulong na sangkot sa flood control scam. Sinabi ni President Ferdinand Marcos Jr. na hindi raw magiging “merry” ang Pasko ng mga kurakot sapagkat sa kulungan sila magpa-Pasko. Hindi lang si Marcos ang nangako kundi pati si DPWH Secretary Vince Dizon. Anyare sa pangako?

May nakulong naman pero hindi ito ang inaasahan. Ang minimithi ay “malaking isda” ang makikita sa likod ng rehas. Tanging ang private contractor na si Sarah Discaya at walong iba pang akusado ang naikulong noong Disyembre 20, 2025. Ikinulong sa Lapu-Lapu City Jail, Mactan, Cebu sina Discaya dahil sa graft at malversation of public funds kaugnay sa P96.5 bilyong flood control ghost project sa Davao Occidental. Humiling naman si Discaya na ibalik sila sa NBI detention facility sa Pasay City. Hinihintay pa ang sagot ng korte sa request ni Discaya.

Ang tanong hanggang ngayon: Kailan makukulong ang mga “malalaking isda”? Ito ang hinihintay ng mamamayan. Noong nakaraang taon, nagkaroon nang malaking rally na hinihiling na mahuli, makasuhan at maikulong ang mga kawatan.

Itinatag ni Marcos ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) subalit walang nakikitang progreso. Dalawang miyembro ng ICI ang nagbitiw na sa puwesto.

Hanggang sa kasalukuyan, nakalalaya pa si ­dating Ako Bicol party-list representative Zaldy Co na sangkot sa multibilyong project sa Naujan, Oriental Mindoro. Kanselado na ang passport ni Co na si Marcos pa ang nag-anunsiyo.

Naglabas ng mga series ng video si Co noong nakaraang Oktubre 2025 na nag-aakusa kina Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez na nasa likod ng P100 bilyong insertions sa 2025 budget. Ginamit umano siya ng dalawa.

Ibinunyag ni Co na siya mismo ang nagdala ng male-maletang pera kay Marcos at Romualdez sa mga bahay nito sa Forbes Park at nagdala rin ng pera sa Malacañang. Siya raw at kanyang mga security ang nag-deliver ng pera at walang napunta sa kanya. Lahat daw nang insertion sa 2025 budget ay napunta kay Marcos. Ipinakita rin ni Co ang video ng mga maleta na pinaglagyan umano ng perang idiniliber ng kanyang dating aide na si Orly Guteza sa Malacañang at Forbes Park.

Naiinip na ang mamamayan sa paghihintay. Gusto na nilang maparusahan ang mga “malalaking isda” na nagnakaw ng bilyun-bilyong piso. Kailan malalambat ang mga nagpasasa sa pera ng bayan?

FLOOD CONTROL SCAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with