^

Punto Mo

‘Tulay’ (Last Part)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

NGAYON ay senior citizen na ako. Retirado na. Kapag umuuwi ako ng aming probinsiya at dumadaan sa tulay ay naaalala ko ang sinapit na muntik nang mamatay. Parang naaamoy ko pa ang mga kopra na laman ng sakong nakadagan sa akin. Pero kung hindi dahil sa sako ng mga kopra baka tinamaan ako ng kahoy na bumagsak. Napailing na lang ako sa hindi malilimutang karanasan na iyon.

Makalipas pa ang ilang taon, pinalitan na ang tulay na kahoy at ginawa nang konkreto. Sinigurong matibay na ang tulay at hindi na babagsak kapag dumaan ang mga trak na may kargang kopra, palay, mais, gulay at iba pang produkto.

Tiyak na magiging madalas ang pag-uwi ko sa probinsiya sapagkat aasikasuhin ko ang namanang lupa sa aking mga magulang. At kapag dadaan ako sa tulay, tiyak na maaalala ko ang hindi malilimutang karanasan na nangyari.

BRIDGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with