^

Punto Mo

Mga anekdota ni Hitler (Part 3)

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

1. Unusual attachment sa kanyang ina

Ayon sa doktor nilang si Eduard Bloch, si Hitler ay may napakalapit na relasyon sa kanyang inang si Klara. Nang magkasakit ito ng breast cancer, si Hitler ay: halos hindi natutulog; laging nagbabantay; labis na emosyonal; at “devoted” ayon sa mismong doktor.

2. Excessive grief nang mamatay ang ina

Nang namatay si Klara Hitler noong 1907, ayon kay Dr. Bloch, si Adolf ay umiyak nang “tulad ng isang bata” at halos hindi makausap. Ito rin ang time na nagsimula siyang humiwalay sa pamilya upang pumunta sa Vienna.

3. Laging bagsak ang grade sa highschool

Base sa official school report: bagsak sa mathematics; bagsak sa French (galit na galit siya rito), at poor performance sa chemistry at physics. Ang mga school documents niya mula sa Linz Realschule ay available pa rin hanggang ngayon.

4. Nai-report siya sa Austrian authorities dahil hindi nag-register bilang male resident

Sa Austria noon, required ang young men na mag-register para sa military service.
Si Hitler, dahil ayaw niya sa Austrian Army, ay hindi nag-register. Noong 1913, natuklasan ito ng Austrian authorities at pinadalhan siya ng summons. May official documentation na siya ay ­pinuntahan ng police sa Munich at dinala sa Austrian consulate para magpaliwanag.

5. Unfit for military service (Documented sa medical report)

Noong 1914, nang pumunta siya sa Salzburg para sa physical exam ng Austrian military service, idineklara siyang: “Unfit for armed or auxiliary service.” May kopya ng medical report na nagsasabing: sobrang payat; mahinang pangangatawan; at may health issues
na hindi na-specify in detail. Ito ang dahilan kaya hindi na siya tinanggap ng Austrian Army.

6. Nang mag-apply sa German Army, tinanggap agad

Noong 1914, pagkatapos pumutok ang World War I, nag-volunteer si Hitler sa German Army (Bavarian Army). Kahit Austrian citizen ay tinanggap siya. Ito ang unang beses sa kanyang buhay na nagkaroon siya ng sense of belonging, ayon sa mga memoirs ng kanyang mga kasamahan. (Itutuloy)

HITLER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with