Silip (Part 10)
ANG aking kuwarto ay katabi ng banyo. Ang banyong iyon ang ginagamit ng mga babaing boarders. Kapag nasa kuwarto ako, dinig na dinig ko ang lagaslas ng tubig mula sa shower at maski ang pagbubuhos ng sinumang naliligong boarders. Dinig ko rin ang pag-flush sa inidoro.
Nung una ay para ayaw kong gawin ang bagay na minsan ay ginawa ko noong nasa high school ako—ang manilip ng naliligong babae. Ayaw ko dahil sa gawaing iyon ako muntik nang mabalian ng buto sa braso.
Isa pa ay talagang mali ang manilip. Kapag nahuli ako ay nakakahiya. Ano ang mukhang ihaharap ko sa mga babaing boarders?
At ano ang sasabihin sa akin ni Tiya Auring? Baka paalisin ako sa bahay niya. Ako ang magiging dahilan kaya mawawalan ng uupa sa kanyang kuwarto. Siyempre kakalat ang balita na may “bosero” sa boarding house ni Tiya. Sino pa ang mga babaing estudyante na uupa sa bahay. Babagsak ang negosyo ni Tiya kapag nagkaganun.
Kaya nilabanan ko ang matinding pagnanais na manilip sa mga magagandang boarders.
Kinontrol ko ang sarili.
Hindi tama ang paninilip! Masama ang kahihinatnan kapag nahuli. (Itutuloy)
- Latest



















