^

Punto Mo

Makikipagkompromiso, ba ako o hindi?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Inaakusahan ako ng pagnanakaw ng dati kong amo. Kung makikipagkompromiso at makipag-areglo ako, maari bang gamitin iyon bilang ebidensiya ng pag-amin ko sa ipinaparatang sa akin? — Myra

Dear Myra,

Ang pakikipagkompromiso sa mga criminal cases ay ­maaring gamiting ebidensiya ng pag-amin sa kasalanan ng akusado base sa Rules of Evidence, ngunit upang magamit na ebidensiya ng pag-amin sa kasalanan, kailangang may nakasampa ng kriminal na kaso nang ialok ng akusado ang pakikipagkompromiso.

Kung wala pang isinampang kriminal na kaso, hindi masasabing pag-amin sa kasalanan ang pag-aalok ng areglo dahil wala pa namang maaring aminin. Ito ang naging desisyon ng Supreme Court sa kaso ng San Miguel Corporation v. Kalalo (G.R. No. 185522, 13 June 2012) kung saan hindi ipinapalagay na pag-amin sa kasalanan ang offer of compromise. Nang ialok kasi ang pakikipagkompromiso, hindi pa naisasampa ang kaso.

Ayon sa Supreme Court, hindi maaring  gamiting ebidensiya ng pag-amin sa krimen ang alok ng kompromiso dahil nang ialok ito, wala pang nakabinbing kriminal na kaso sa pagitan ng mga partido.

Ang maipapayo ko, siguraduhin mo munang wala pang nakasampang kriminal na kaso laban sa iyo kung nagbabalak kang makipag-kompromiso sa dati mong employer. Kumuha ka ng abogado na makapagsasabi kung makabubuti ba sa iyo o hindi ang pag-aalok ng areglo.

CASE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with