‘Kabayo’ (Part 2)
AKO ang nag-iisang lalaking apo nina Lolo Pedro at Lola Nita kaya solong-solo ko ang pagsakay sa mga alagang kabayo ni Lolo.
Bukod sa kabayong si Blackie, may iba pang kabayo si Lolo na puwedeng sakyan at gamitin kung kailan ko gusto. May kabayong kulay kastanyas na ang pangalan ay Kastanyo; may puting kabayo na ang pangalan ay Whitey at merong kulay maroon na ang pangalan ay Bilis.
Pero sa lahat nang alagang kabayo ni Lolo, si Blackie ang pinakagusto ko. Napakabait ni Blackie at isa pa, kilalang-kilala na niya ako.
Kapag dumarating ako para magbakasyon, humahalinghing si Blackie at kinakahig ang lupa. Pagkatapos ay luluhod na para bang nagbibigay-galang sa akin.
Agad ko namang lalapitan si Blackie at hihimasin ko ang noo niya. Habang hinihimas ko ang noo ni Blackie ay wala itong kakibu-kibo na para bang dinadama ang init ng palad ko.
Kinabukasan, agad kong sasakyan si Blackie at mamamasyal kami sa lupain ni Lolo.
(Itutuloy)
- Latest

















