‘Manika’ (Last Part)
HINDI ako makapaniwala na buhay pa ako dahil sa paglukso ng dyipni makaraang sagasain ang bunton ng buhangin na nasa gilid ng kalsada.
Nang mahawi ang makapal na alikabok na nilikha nang rumagasang dyipni, nasa upuan pa rin ako at mahigpit na nakawak sa manika na nasa kandunga ng batang babae na nasa harapan ko.
Nang pagmasdan ko ang manika, nakangiti siya sa akin. Nakahinga ako nang maluwag. Wala na ang takot ko sa manika sa halip ay ang pasasalamat sapagkat iniligtas ako ng manika sa kamatayan. Kung hindi ako nakahawak sa katawan ng manika, baka tumalsik ako at tumama sa gutter ng kalsada.
Nagdatingan ang ambulansiya at dinala kami sa ospital. Mga minor injuries lamang ang aming natamo.
Dumating sina Papa at Mama sa ospital nang mabalitaan ang pangyayari.
Ikinuwento ko sa kanila ang naganap. Sinabi ko rin na isang manika ang nagligtas sa akin at iyon ang dahilan kaya hindi na ako takot sa manika.
- Latest















