^

Punto Mo

EDITORYAL- Problema sa ­kakulangan ng evacuation centers

Pang-masa

MAS nakapaghanda ang pamahalaan sa pana­nalasa ng Bagyong Uwan kaysa Bagyong Tino subalit mayroon ding mga namatay. Ayon sa report, labingwalo ang namatay sa Bagyong Uwan. Sinalanta ng Bagyong Uwan ang Catanduanes, Aurora at Isabela.

Nagpatupad ng puwersahang evacuation ang mga awtoridad. Ayaw nang maulit ang nangyari sa Bagyong Tino na marami ang hindi nailikas kaya ­inabutan sa kanilang mga bahay. Umabot sa 18,000 ang mga inilikas sa evacuation centers dahil sa Bagyong Uwan. May dinala sa mga eskuwelahan, ­covered court at iba pang maaaring silungan ng mga tao.

Nagsiksikan ang mga tao sa school. Kawawa ang mga bata at matanda. Ang iba ay hindi malaman kung saan pupuwesto. May mga tent na itinayo su­balit kulang din sa dami ng inilikas. Problema kung saan dudumi at iihi ang evacuees. Problema kapag nagkasakit ang evacuees na tiyak magkakahawaan.

Nang manalasa ang Bagyong Tino sa Cebu at iba pang probinsiya sa Visayas noong nakaraang linggo, marami ring inilikas sa evacuation centers. Nagsiksikan din sa dami ang evacuees. Karamihan sa kanila ay mga nasira ang bahay dahil sa pagragasa ng baha.

Noon pa problema ang kakulangan ng evacuation centers. Kapag bumagyo, lumindol at bumaha, walang masilungan ang mga apektadong residente. Nasaan na ang pangakong desenteng evac centers?

Wala pa ni isang evacuation center na naipatatayo ang pamahalaan sa kabila na ipinag-utos na ni President Marcos Jr.  ang pagtatayo ng desenteng evacuation centers.

Noong Disyembre 6, 2024, nilagdaan ng Presidente ang Ligtas Pinoy Centers Act kung saan magtatayo nang matibay na evacuation centers sa bawat bayan na kumpleto sa pasilidad. Binigyan niya ng direktiba ang Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa pagtatayo ng evacuation centers. Sabi ni Marcos, tiyakin ng DPWH na matatapos sa tamang panahon ang konstraksyon ng evacuation centers at dapat nakasunod sa National Building Code.

Subalit  mag-iisang taon na ang nakararaan mula nang lagdaan ang batas wala pang naitatayo kahit isang evacuation center. May aasahan pa ba sa evacuation centers o magiging bahagi na lamang ito ng pangako na mapapako?

Pagsikapan ng DPWH na maitayo ang evacuation centers at nang hindi na gamitin ang mga eskuwelahan. Apektado ang pag-aaral ng mga bata. Sinisira rin ng evacuees ang mga gamit sa school gaya ng pisara at mga silya. Sa pagtatayo ng evacuation centers, hindi sana ito maging ugat ng korapsyon lalo’t ang DPWH ang inatasang gagawa ng mga ito.

TINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with