^

Punto Mo

‘Sementeryo’ (Part 1)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

NANGYARI ang karanasan kong ito noong ako ay 13-anyos at nasa Grade 6 sa elementarya. Tuwing sasapit ang Undas ay nagpupunta kami sa public cemetery. Bago pa sumapit ang araw ng Undas ay nagpupunta na kami sa semen­teryo para maglinis. Magkakatabi kasi ang mga kamag-anak na nakalibing sa ­sementeryo kaya may ­kalakihan ang aming nililinis na nitso.

Kaming magpipinsan ang sama-samang naglilinis. Inaabot kami ng maghapon sa paglilinis dahil mataas na ang damo sa paligid ng mga nitso.

Pagkatapos naming tabasin ang mga damo ay pipinturahan ang mga nitso. Dahil marami kaming nagtutulung-tulong ay masaya kami. Dun na rin kami kumakain ng tanghalian. Uuwi kami na palubog na ang araw.

Pero isang hindi malilimutang karanasan ang nangyari sa akin. Habang pauwi, napahiwalay ako sa aking mga pinsan. Ibang daan ang napuntahan ko! (Itutuloy)

CEMETERY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with