^

Punto Mo

Bugbugang Lacson at Cayetano sa Ombudsman ang destino!

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

BUGBOG sarado si Sen. Alan Peter Cayetano kay Ping Lacson dahil tinumbok nito ang illegal reclamation project na ginastusan ng P3.7-B ng gobyerno sa basang lupa ng Taguig at lumaktaw sa hangganan ng Laguna de Bay. Napatitulohan ito at naging pag-aaari ng mga pribadong indibidwal imbes na maging proyektong pag-aari ng gobyerno. Pinagdududahang pumaldo dito si Alan. Sarap namaaan!

Personalan na ang namamagita’ng away sa dalawa dahil sa diumano’y pangmamaliit ni Alan sa mga ikinikilos ni Ping sa loob ng senado. Tuluya’ng binulatlat ni Ping ang mga budget insertions at lumabas na may P6.79 Bilyon na minandohan ni Alan at P4.7-B ang pinamahalaan ni Pia Cayetano mula sa 2025 National Budget . Kaya pala ligalig ang ikinikilos ni Pia nitong mga huling araw. Kumusta ka Sen. Pia?

Kamakailan ay lumabas ng bansa ang magkapatid na Alan at Pia na ikinamangha ng taum­bayan. Sa bansang Singapore nagtungo ang dalawa sa hindi naipaliwanag na dahilan maliban sa namasyal. Habang may mabigat na usaping kinakaharap o naghahanap ng remedyo sa dinadala nilang problema. Matatapat na mamamayan ang mga Singaporean. Kumusta naman kaya ang dalawa?

Sa dinidinig na Impeachment Proceedings sa senado ay mataginting ang katanungan ni Sen. Lito Lapid kay Office of the Ombudsman Records Custodian Atty. Karen Batu na nag-iingat ng mga SALN ng mga government officials. Ang tanong ay ‘‘Totoo bang hindi nagdedeklara ng tamang halaga ang mga government officials sa kanilang SALN?’’ Ngu­miti lamang si Atorni at sumagot na ‘‘nagdedeklara po ako ng totoo!’’ Kumusta naman ang SALN ng magkapatid?

Maraming nalulungkot sa nagiging kalagayan ng magkapatid na Alan at Pia dahil sa naging magaling at matapat na senador ang tatay nilang si Atty. Rene Cayetano. Kumusta ka Lino Cayetano?

ALAN PETER CAYETANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with