^

Punto Mo

Inggit: Tahimik na sumpa

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

SA panahon ngayon ng social media, tila naging likas na sa marami ang ipagmalaki ang bawat biyayang natatanggap, mula sa bagong gamit, bakasyon, o kahit simpleng tagumpay sa araw-araw. Ngunit sa bawat “post,” may mga matang tahimik na nagmamasid, at pusong hindi marunong makibahagi sa saya ng iba.

Ang inggit ay hindi palaging hayagang ipinakikita; madalas itong tahimik, ngunit malakas ang dalang negatibong enerhiya. Ito ang sumpang hindi nakikita ngunit unti-unting sumisira sa kapayapaan ng naiinggit at ng kanyang kinaiinggitan.

• Ang inggit na nagmula sa ibang tao ay nagdadala ng negative energy sa kinaiinggitan. Kaya iwasan ang pagpapahimba (showing off) sa social media ng iyong mga natanggap na biyaya  dahil ito ay umaakit ng inggit  mula sa ibang tao.

• Ang pagkukuwento sa ibang tao ng iyong plano o magandang balita tungkol sa iyo ay mababahiran ng kamalasan kung ang napagkuwentuhan mo ay may ugaling inggitera. Hindi mo alam, ipinapanalangin na niya na huwag sanang matuloy ang plano mo.

• Tandaan mo na hindi lahat ng pagsasabihan mo ng magandang balita tungkol sa iyo ay ikakatuwa ng ibang tao, kaibigan mo man siya o hindi.

• Kapag nasa bakasyon, huwag mapo-post ng anuman “in real-time” sa social media upang maiwasan ang bad luck o masira ang masayang bakasyon. Mag-post ng tungkol sa bakasyon kapag tapos na ito at nakauwi na kayo. Totoong may masamang epekto ang evil eye o negative energy mula sa puso ng mga inggitera, lalo na kung ito ay nanggaling sa taong close sa iyo. Kaya ang planong grandeng bakasyon ay isikreto muna.

• Kung malungkot ka, huwag mo itong ipagsabi dahil alinman sa dalawang dahilan: Wala silang pakialam o natutuwa sila at may problema ka. Hindi lahat ng ngumingiti sa iyo ay may magandang iniisip tungkol sa iyo.

Sa halip na mabalot ng galit sa tagumpay ng iba, piliin nating maging inspirasyon ang kanilang pag-angat. Ang tunay na kaligayahan ay hindi nasusukat sa dami ng ating naipapakita, kundi sa katahimikan ng pusong marunong makuntento. Tandaan: ang biyayang sinasamahan ng kababaang-loob ay lalong dumadami, samantalang ang pusong puno ng inggit ay lalong nauubusan.

SUMPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with