^

Punto Mo

Tinanggal sa trabaho pero walang matatanggap na separation pay

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Noong nakaraang linggo, ipinatawag kami ng HR at pinapipirma ng notice na nagsasabing may 30 days na lang po kami sa trabaho. Wala pong ibang sinabing dahilan kung bakit bukod sa kailangan lang daw magbawas ng mga empleyado. Wala rin daw po kaming matatanggap. Tama po ba iyon? Kami po ay 10 years na sa service. — Jenn

Dear Jenn,

Kung kayo ay mga regular employee at ang pagbabasehan ng inyong pagkakatanggal ay ang sinabi ng kompanya na kailangang magbawas ng empleyado ay dapat kayong makatanggap ng separation pay.

Dalawang klase ang pagtatanggal dahil kailangang “magbawas” ng empleyado. Maaring dahil ito sa redundancy o pagkakaroon ng sobrang empleyado o sa “installation of labor-saving devices” o ang pagkakaroon ng mga bagong kagamitan para mapadali ang trabaho. Ang separation pay para sa mga ganyang sitwasyon ay katumbas ng hindi bababa sa ½ month salary para sa bawat taon ng naging serbisyo ng empleyado.

Maari rin na dahil ito sa retrenchment o pagbabawas ng empleyado dahil sa pagkalugi o para maiwasan ito o kaya naman ay dahil sa pagsasara ng negosyo na hindi dulot ng labis na pagkalugi. Sa mga ganyang pagkakataon ay katumbas ng one month salary para sa bawat taon ng serbisyo ng empleyado ang matatanggap na separation pay.

Ayon sa iyo, sinabihan na kayong wala kayong matatanggap. Sapat ng basehan ang hindi pagkakaroon ng separation pay para kayo ay mag-reklamo. Pero maari niyo rin kuwestiyonin ang tuluyan niyong pagkakatanggal kung ang gusto n’yo ay ang manatili sa pagtatrabaho. Nasa kompanya na kasi para patunayan na may sapat na basehan para magpatupad ng retrenchment o redundancy at kung wala namang sapat na basehan ang employer ay masasabing may illegal dismissal at kailangang i-reinstate kayo bilang mga empleyado.

SEPARATION PAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with