^

Punto Mo

EDITORYAL — Lahat substandard

Pang-masa
EDITORYAL — Lahat substandard

ANO pa ang aasahan sa mga proyektong substandard o mahina? Magigiba, mawawasak, matatangay ng agos at lalamunin ng lupa. Mas nakakatakot kung ang proyekto ay school building at mga tulay. Kapag lumindol, tiyak na magigiba at maraming mamamatay na estudyante at guro. Kung tulay, gaya nang nangyari sa Cabagan, Isabela na nawasak kahit kagagawa pa lamang, maraming inosente ang magbubuwis ng buhay.

Isiniwalat ni dating asst. district engineer Brice Hernandez sa hearing ng Senate Blue Ribbon Committee noong Martes na walang matinong proyekto sa Bulacan at lahat ay substandard o mahina ang pagkakagawa.

Ayon kay Hernandez, sa pagtatanong ni Sen. Bam Aquino na hindi lang flood control projects sa Bulacan ang substandard kundi pati na rin ang mga gusali, kalsada at mga school. Saglit na hindi nakapagsalita si Aquino sa isiniwalat ni Hernandez. Hindi siya makapaniwala na walang matinong proyekto sa Bulacan.

Sabi pa ni Hernandez, lahat daw ay may obligasyon na kailangang itago. Hindi raw na-meet kung ano ang eksaktong nasa plano. Pati raw street light ay overpriced.

Tinanong ni Aquino kung meron proyekto sina Hernandez na walang porsiyentuhan o yung maayos at matino. Sagot ni Hernandez, wala raw. Lahat daw ay hindi tumatama sa plano na naka-design para sa proyekto.

At kaya nangyari ang substandard na proyekto ay dahil pinaghahati-hatian ang budget. Kaya walang maayos na project ay sapagkat pinagparte-partehan ang pondo.

Ayon pa kay Hernandez, mula 2019 hanggang 2025 ay ganun ang nangyari sa Bulacan. Anim na taon na walang maayos o matinong proyekto. Ayon pa sa dating asst. district engineer, wala raw tumama kung ano ang naka-specify sa plano. Hindi raw na-meet ang nasa plano.

Nang tanungin naman ni Aquino si dating DPWH Sec. Manuel Bonoan, wala itong nalalaman sa nangyayari sa kagawaran. Hindi raw niya alam kung ano ang sasabihin sa pagkakataong iyon. Ngayon lang daw niya narinig ang tungkol sa mga nangyayari sa district engineering office. Dapat daw ay mino-monitor ng mga engineer ang nangyayari at nire-report naman sa kanya ang lahat nang ginagawa sa mga proyekto. Sa sagot ni Bonoan, ipinakita niya na wala siyang alam sa mga ginagawa ng kanyang mga tauhan.

Ngayong nabulgar na pawang substandard ang mga project sa Bulacan, posibleng ganito rin sa iba pang mga lugar sa bansa. Nakakatakot ito. Maraming magbubuwis ng buhay dahil sa mga proyektong pinagkakitaan ng mga korap sa DPWH at mga ganid na private contractors na sinawsawan ng mga sakim na pulitiko. Hangad ng taumbayan na may maparusahan sa anomalya.

SUBSTANDARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with