^

Punto Mo

‘Lighter’ (Part 14)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

“PARENG Tonyo, humihingi uli ako ng paumanhin sa iyo. Mali ang nagawa ko. Hindi ko pinakinggan ang paliwanag mo,’’ sabi ni Avelino na punumpuno ng pagsisisi.

“Wala na iyon, Pareng Avelino. Lahat naman tayo ay nagkakamali. Kalimutan mo na iyon.”

“Maraming salamat Pareng Tonyo.”

“Basta mula ngayon balik ang masaya nating pagkakaibigan. Huwag mong kalilimutang magtungo sa akin kapag sasakay ka uli sa barko. Magagalit ako sa’yo kapag hindi ka nagpaalam sa akin.”

“Areglado Pareng Tonyo. Siyanga pala, huling sakay ko na ito. Retired na ako.”

“Aba e di lagi na pala tayong magkikita.”

“Oo Pare. Baka araw-araw e narito ako.”

“Aba e di mas maganda—masaya tayo. Dun tayo sa farm house ko. Mas masarap ang hangin dun. Tamang-tama na maraming bunga ang mangga at lansones.”

“Asensado ka na talaga Pareng Tonyo.”

“Hindi naman. Lahat yan galing sa anak kong si Abel. Di ba maganda ang trabaho niya. Ipinagkaloob niya ang mga hindi namin naranasan nun.”

“Napakabait ni Abel. Siyanga pala, may dinala si Abel sa bahay kahapon.”

“Anong dinala, Pareng Avelino?”

“Lighter.” (Itutuloy)

LIGHTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with