^

Punto Mo

‘Lighter’ (Part 12)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

KINABUKASAN, dakong alas siyete ng umaga, nagulat kami nang may tumawag kay Itay mula sa labas. Kumakain kami ng almusal. Si Itay ay nagha­handa sa pagbisita sa kanyang bukid. Mula nang magkaroon ako nang magandang trabaho at suweldo ay hindi ko na hinayaan si Itay na magbukid. Matanda na kasi siya. Ibinili ko si Itay ng pickup truck. May drayber siya.

“Pareng Tonyo! Pareng Tonyo!” tawag mula sa labas.

“May tumatawag sa iyo Itay,” sabi ko.

“Parang boses ni Avelino,’’ sabi ni Inay. “Bakit kaya? Baka sisisihin ka uli sa pagkawala ng lighter. Huwag kang papayag na pagsalitaan nang masakit. Ako ang makakalaban niya,’’ sabi ni Inay.

“Haharapin mo ba siya Itay?’’ tanong ko.

Hindi sumagot si Itay. Nakatingin lang sa pinggan.

“Ako na lang ang haharap!’’ sabi ni Inay.

“Huwag! Ako ang lalabas. Baka naman iba ang pakay niya,’’ sabi ni Itay at inayos ang sarili.

“Dito lang kayo. Huwag kayong sasali sa amin,’’ sabi uli ni Itay at tinungo ang pinto.(Itutuloy)

LIGHTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with