^

Punto Mo

‘Lighter’ (Part 6)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

MULA nang magparamdam ng galit si Avelino kay Itay dahil sa pagkawala ng lighter, hindi na ito muli pang nakipagkita sa aking ama. Talagang nagalit siya dahil sa ina­akalang hindi iningatan ni Itay ang lighter na iniregalo. Dati kapag sasampa na sa barko si Avelino ay hindi nakalilimot na dumaan sa aming bahay at nagpapaalam kay Itay. Naisip ko, talagang matindi ang hinanakit ni Avelino kay Itay dahil sa pagkawala ng niregalo niyang lighter.

Napansin naman namin na mula nang magalit si Avelino, naging malulungkutin si Itay. Nakikita namin na lagi siyang nag-iisip.

Pagkagaling niya sa bukid ay mauupo ito sa balkonahe at nakatingin lang sa labas ng bahay. Kahit hindi sabihin ni Itay, alam namin na ang nawalang lighter ang dahilan kaya siya laging nag-iisip. Masyado niyang dinibdib ang lahat. Hindi siya sanay na mayroong tao na nagagalit sa kanya.

Lumipas pa ang ilang taon at talagang hindi na dumalaw si Avelino kay Itay. Kinalimutan na ang pagkakaibigan nila ni Itay.

Madalas ay naririnig ko ang pag-uusap nina Inay at Itay at pinag-uusapan ang tungkol sa nagalit na si Avelino.

“Mabuti at nalaman mo ang ugali ni Avelino. Hindi siya tunay na kaibigan!”

Ako ay labis na nasasaktan sa ginawa ni Avelino kay Itay. Kaya naipa­ngako ko sa sarili na maghahanap ako ng lighter na katulad ng nawala at ibibigay ko kay Avelino. Sasabihin ko sa kanya na dahil sa lighter na iyon, sinira niya ang magandang pagkakaibigan na hindi naman dapat mangyari. (Itutuloy) 

LIGHTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with