^

Punto Mo

‘Lighter’ (Part 2)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

SUMABIT ang tali ng lighter sa sanga ng kahoy at napatid. Gusto man ni Itay na habulin ang lighter, hindi na niya magagawa dahil sobrang lakas ng agos. Maari siyang mapahamak kung hahanapin ang lighter.  Tantiya ni Itay, nasa ilalim ng ilog ang lighter dahil mabigat ito.

Kinabukasan, nang maliit na ang tubig sa ilog, binalikan ni Itay ang lugar kung saan nahulog ang lighter.

Pero walang nakitang lighter si Itay.  Maaring naanod na ang lighter sa malalim na bahagi ng ilog.

Puwede rin naman na mayroon nang nakapulot sa lighter. Madali kasing makikita dahil stainless iyon. Ang lugar na kinahulugan ng lighter ay madalas daanan ng nga tumatawid.

Labis na nag-aalala si Itay dahil hahanapin ng kanyang Pareng Avelino ang lighter. Nang huli silang magkita, sinabi ng kanyang kumpare na ingatan ang lighter dahil mamahalin at hinanap pa niya ito nang dumaong sa Japan.

“Nakakahiya kay Pare’’, sabi ni Itay kay Inay.

“E ano ang magagawa mo inabot ka nang ­malaking baha sa ilog. Mas mahalaga ba ang lighter kaysa buhay mo?”

“Parang hindi ko matatagalan ang panunumbat niya sa pagkawala ng lighter.”

“Ipaliwanag mo sa kanya ang sitwasyon. Napakasama naman niya kung hindi ka mauunawaan e nasa bingit ka ng kamatayan.”

Pero nanatiling nag-isip si Itay.

(Itutuloy) 

LIGHTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with