^

Punto Mo

Tagumpay ng mga taong hindi sumuko (Part 3)

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

Ray Kroc

Sa edad na 52, si Kroc, ang nagtatag ng McDonald’s. Siya ay nag-ipon ng sapat na tapang upang isanla muli ang kanyang bahay at manghiram nang malaking halaga ng pera para sa kanyang bagong ideya.

Sa kabila nang maraming taon ng mga problemang pangkalusugan — kabilang na ang arthritis, diabetes, pagkawala ng kanyang pantog at karamihan ng kanyang thyroid gland — patuloy pa rin siyang nagtiyaga at naniwala sa kanyang sarili.

Ngayon, ang McDonald’s ay ang pangalawang pinakakilalang pangalan sa buong mundo, kasunod ng Coca-Cola.

 

Colonel Sanders

Sa edad na 65, si Colonel Sanders, ay tumigil sa pag-aaral upang magtrabaho at makatulong sa ina na nag-iisang nagtataguyod ng kanilang pamilya. Mula sa kung anu-anong trabaho, nakapag-ipon siya ng puhunan para magtayo ng maliit na gas station.

Nagtinda siya ng fried chicken sa tabi ng gas station. Nang maraming nagkagusto ng kanyang fried chicken, inialok niya ang kanyang “secret recipe” sa mga restaurant sa pamamagitan ng paglalakbay sa buong Estados Unidos. Madalas siyang natutulog sa kanyang kotse upang makatipid.

Mahigit 1,009 beses siyang tinanggihan bago niya naibenta sa pinakaunang restaurant ang kanyang secret recipe. Isipin mo na lang kung sumuko siya matapos ang ika-500 o ika-1000 na pagtanggi. Tiyak hindi natin matitikman ang masarap na KFC fried chicken.

TAGUMPAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with