^

Punto Mo

Final pay at certificate of employment

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Nag-resign po ako nitong Hulyo. Sabi ng HR, hindi pa raw maibibigay ang final pay at certificate of employment (COE) hangga’t hindi tapos ang clearance ko. Puwede po ba i-hold ang final pay at COE? Gaano katagal bago dapat i-release? —Leo

Dear Leo,

Ukol sa iyong final pay, nakasaad sa DOLE Labor Advisory No. 06-20 na ang final pay ay dapat maibigay sa loob ng 30 araw mula sa huling araw sa trabaho ng nagbitiw na empleyado (maliban na lamang kung may mas maagang petsang nakasaad sa company policy/contract). 

Ang final pay ay binubuo ng mga halagang pinagtrabahuhan at kinita na kaya maituturing na wage interference ang paglalagay ng anumang kondisyon para lamang ito ay matanggap ng empleyado.

May sapat kang basehan para magreklamo kung hindi mo pa rin natatanggap ang iyong final pay at higit tatlumpung araw na mula nung huling araw mo sa trabaho.

Ukol naman sa hinihingi mong Certificate of Employment, ang COE ay dapat ilabas sa loob ng tatlong araw mula sa iyong request, batay rin sa nauna ng nabanggit na Labor Advisory.

Malinaw ang tatlong araw na palugit sa pagbibigay ng COE kaya hindi rin maaring lapatan ng kondisyon katulad ng pagkumpleto ng clearance ang pag i-isyu nito.

CERTIFICATE OF EMPLOYMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with